Chapter 23

757 39 4
                                    

"Sabihin mo busy ako"utos ni Ara upang sagutin ni Bea ang text sa kan'ya ng lalaking nagpapapansin sa kan'ya.

"Anong busy? Hindi, magdate kayo! He invinted you oh"kinikilig na sagot sa kan'ya ni Bea.

"Ayoko tsaka ang cheesy n'ya. Nakakailang kasama, di ko s'ya trip"laban ni Ara.

"Hello? Joshua Torralba 'to! Ang pogi kaya n'ya. Actually, sa kanila ngang magkakabarkada walang patapon eh pero jeez! Nakuha mo pa itong Joshua na 'to? You should be thankful! Paano nangyari 'to? Wala akong ka ide-idea"

Bumuntong hininga si Ara at nagsimulang ikuwento lahat. Kahit hindi n'ya trip ang pinag-uusapan ay natatawa lang si Bea dahil kinikilig s'ya para sa kaibigan. Alam naman ni Bea na hindi basta basta nahuhulog si Ara sa lalaki pero gusto lang n'ya ang idea na may nagkakagusto kay Ara. May tiwala si Bea na one of the finest men in the whole world ang mapupunta sa kan'yang kaibigan dahil mabait at maganda naman ang kan'yang malapit na kaibigan kaya s'ya ang pinaka unang kinikilig kapag may sumusubok na manligaw kay Ara.

Pagkatapos magkuwento ni Ara ay todo pang aasar pa ang ginawa ni Bea sa kan'ya. Binigyan n'ya ng magagandang salita si Ara para ipagpatuloy yung meron sa kanila ni Joshua ngayon. Kahit ilang beses na sinabi ni Ara na corny, cheesy o bulok na yung style ni Joshua ay sinasabihan s'ya ni Bea na gan'yan na raw talaga ang mga lalaki ngayon. Dapat nga raw talaga ay matuwa pa si Ara dahil panalong panalo s'ya sa nakuhang lalaki.

"Ara, you can go with him! Besides, he's kind naman eh"pagpipilit parin sa kan'ya ni Bea.

"Ayoko, akin na nga 'yang phone ko"sagot ni Ara at tumayo. Pero dahil makulit si Bea ay mas nilayo n'ya ang cell phone ng kaibigan. S'ya ang sumagot sa lalaki.

"Yes Joshua"saad ni Bea habang nagtetext.

"Uy! 'Wag!"sigaw ni Ara at hinabol ang kaibigan pero tumakbo si Bea habang nagtetext.

"Free ako mamaya. Smiley face. Pick me up at.."

"BENG! 'Wag! Uy!"

Patuloy n'yang hinabol ang kaibigan paikot ikot ng opisina n'ya kahit mataas ang takong ng sapatos n'ya.

"11:40 AM. Hahahaha, see you later. Josh... Send"

"BENG!"

Pagkakuha n'ya ng cell phone n'ya ay saktong nasend na yung text na ginawa ni Bea.

"Hala! Bakit mo ginawa 'yun?!"may inis na saad ni Ara.

Ngumiti si Bea "You're Welcome Sis"

Third WheelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon