Nabalot ng katahimikan ang dalawa at nagdaan pa ang ilang segundo bago may magsalita.
"So you've been friends with her since high school?"panimula ng lalaki.
"Ah yeah, classmate ko s'ya ever since talaga"sagot ni Ara.
"I can see that"saad ni Thomas "Lagi ka n'ya kasing nakukuwento sa akin. Kapag magkasama kami sa mall, hindi n'ya nakakalimutang tumingin ng items that are made for friends. Like bestfriend's bracelet or jacket. Nakakatampo nga minsan eh"
Napatawa naman ng bahagya si Ara "Napamahal sa akin. Ako lang kasi talaga yung naging totoo sa kan'ya"
"What do you mean?"
"Umm, dati kasi marami s'yang kaibigan. Parang pito nga sila na magkakasama palagi pero those girls pala are just using her. Fame kasi si Bea kaya maraming fc until, ako. Naging totoo ako sa kan'ya. Kaya hanggang ngayon hindi n'ya ako binitawan"
Napangiti si Thomas "That's good pero alam mo ba dahil sa'yo mas natutuwa ako sa kan'ya"
Oh shit.
"Bakit?"tanong ni Ara pero sa isip isip n'ya ay medyo nagkakagulo sa isip n'ya.
"At least, nakikita ko ang effort n'ya. Nakikita ko how she can love and sacrifice something for her friend. What more in a relationship diba? Kaya nakikita ko talaga na mukhang wala kaming magiging problema. Loyal s'ya sa kaibigan, siguro kung maging kami man, loyal din s'ya"
Napangiti ng sarkastiko si Ara. Siguro kung maging kami man? Maging kami man? Jusko! May balak na ba s'ya? Ugh! Bakit ba Ara? Masyado kang kontra! Bagay naman sila di ba? Huwag ka ngang mag isip ng 'di maganda! Walang problema sa kanilang dalawa! Suportahan mo na lang sila!
"Hey Ara, can I ask you something?"tanong ni Thomas at medyo lumapit kay Ara.
"Ano yun?"tanong ni Ara at medyo lumapit din.
"Pwede mo ba akong tulungan?"
"Tulungan saan?"
Ngumiti si Thomas "I really want to court your best friend"saad nito "Pwede mo ba akong tulungan para malaman ko kung ano ang oo at hindi ni Bea? Mas kilala mo s'ya kaya kung tutulungan mo ko, hindi ako mahihirapang ligawan si Bea"
Napalunok si Ara "Ligawan? B-bakit?"
"I want your best friend as my girlfriend"
What the fuck!
BINABASA MO ANG
Third Wheel
RomanceAng taong naiipit sa pagitan ng dalawang nag iibigan ang siyang lumalaban para sa lalaking minamahal ng kaniyang kaibigan.