Chapter 45

521 34 0
                                    

Sabay na aakyat si Thomas at Bea, at syempre, naiwan si Ara sa baba para panoorin na lang sila. Nagbiruan pa ang dalawa na paunahan sila kaya mabilis na umakyat si Bea. Si Thomas naman ay nagpakahayahay lang dahil alam niyang mauunahan pa rin niya ang dalaga.

Nung magsisimula nang umakyat si Bea ay biniro ni Thomas ang dalaga at hinawakan ang puwet nito habang nauuna.

Napatigil sa pagakyat si Bea habang nakanoot ang noo.

"Ass off"saad ni Bea.

"Oooh,"tuwang saad ni Thomas "Poof! Poof!" pangloloko niya kasabay nang pagpisil-pisil pa sa matambok na puwet ng babae.

"Ass off!"pananaway ni Bea.

"Kkkhhmmm"

Nagpigil ng tawa si Ara at napatingin si Thomas sa kaniya. Sabay silang tumawa nang bahagya, hindi pinapahalata kay Bea.

Muling umakyat si Bea at umakyat na rin si Thomas. Mabagal at dahan dahan si Bea ngunit si Thomas ay dire-diretso na kala mo'y wala pang isang minuto ay makaka akyat na sa dulo. Kahit naunang umakyat si Bea ay mas napangunahan siya ni Thomas.

"You owe me a kiss"saad ni Thomas kay Bea at mas binilisang maka akyat. Wala pa sa kalahati si Bea ay naabot na ni Thomas ang dulo kaya bumitaw na si Thomas at dahan dahan na bumaba.

Umaakyat parin si Bea pero ngumiti si Thomas at tinapatan ang dalaga.

"Ano baby? Give me a kiss, I won"saad ni Thomas habang nakangiti.

"Neknek mo"sagot ni Bea at umakyat pa.

Napangisi si Thomas at muling pinisil ang ang pisngi ng puwet ng babae.

"Urgh!,"may inis na saad ni Bea at bumitaw para paluin ang kamay ng lalaki "Ass! Off! AH!"

Muntik ng mahulog si Bea at nadulas ang paa niya.

"Beng!"sigaw ni Ara sa bigla pero kaagad na sinalo ni Thomas si Bea.

"Hawak! Hawak"utos ni Thomas kay Bea nang mahawakan niya ito. Matindi ang kapit ni Thomas sa tali at ganoon rin kay Bea. Naging matigas ang kaniyang binti upang maisandal ang paa sa dingding at upang hindi sila mahulog.

Ramdam ni Thomas ang kaba ng babae ngayon na yakap niya ito upang hindi mabilis na mahulog. Mabilis ang tibok ng puso ng babae at naghahabol ng hininga.

"Sir, kapit lang po. Ibaba po namin kayo"sigaw ng lalaking nag aassist sa kanila.

"Hindi na Kuya, I got it"sagot ni Thomas habang hawak ng mahigpit ang babae at ang tali.

"Sabay tayong tumalon. Kapit saakin"saad ni Thomas kay Bea pero tinulak siya ng dalaga.

"Uy! Bea"nabiglang saad ni Thomas sa ginawa ni Bea.

Tinuon ni Bea ang dalawang paa sa dingding at hinawakan ang tali sabay tumalon upang makababa. Tinutuon niya ang paa sa pader upang tumalon at makababa mag-isa.

Mabilis siyang sinundan ni Thomas at halos sabay silang nakababa. Kaagad tinanggal ni Bea ang helmet niya at tinanggal ang harness niya. Ganoon din naman si Thomas. Pagkatanggal ng harness kay Bea ay kaagad siyang naglakad paalis.

"I said hold me tight"saad ni Thomas at sinundan si Bea.

"And I said, ass off! What the fuck is your problem?"tanong ni Bea na halatang galit na. Patuloy sila sa pagsisigawan pabalik at naiwan si Ara doon habang pinagmamasdan yung dalawa magtalo kasama yung mga nagtratrabaho sa Lola Corazon Leisure Farm.

Third WheelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon