Pagkatapos kumain nung dalawa ay inihatid ni Thomas si Ricca sa condo nito at nanatili roon ng ilang oras. Humiga si Thomas sa kama at tinitigan ang litrato ni Bea sa cellphone niya. Nasave na niya sa kaniyang cell phone ang mga pictures ni Bea sa Pampanga. Sa kaniyang pagtitingin ay nakita muli niya ang litrato ni Ara.
Ito ay ang litrato na kinuha niya ng mabilisan kay Ara noong nasa duyan ito. Napangiti nang bahagya ang lalaki habang pinagmamasdan ito. Hindi niya alam ang rason kung bakit niya kinuhanan noon ng litrato si Ara basta't pagkatapos niyang kuhanan ng larawan si Bea habang naglalakad palayo ay napatingin siya kay Ara at pinicturan din. Nilipat niya pa ang mga larawan at nabigla siya ng bahagya nang makita niya ang kinuha niyang picture ni Ara. Yung picture ni Ara na nasa sunset at lumuluha.
Dahil dito sa larawan na ito ay halos hindi na siya kinakausap pa ni Ara. Pagkatapos kasi noong mawala ang larawan na ito sa SD Card ni Ara ay hindi na siya pinansin ng dalaga. Hindi naman niya ito kinulit pa at inintindi na lang. Kaya minsan ay napapatulala na lang si Thomas at naiisip ang larawan na ito.
"Momas"
"Huh? Hmmm?"
Napakunot noo si Ricca "Bakit ka tulala diyan? Anong tinititigan mo?"
Bumangon ang lalaki at nagpaliwanag. Sinabi niya ang nangyari sa Pampanga at nakinig naman ang kaibigan niya.
"Ngayon, sinave ko sa phone ko yung picture. Ang pinagtataka ko talaga ay bakit naging mahalaga 'to sa kaniya"
"Patingin nga"saad ni Ricca at pinakita ni Thomas yung picture. Tinitigan naman ito ni Ricca.
"Natanong mo ba si Bea? Baka naman siya ang kumuha nitong picture na 'to"tanong ni Ricca.
"Bakit ko tatanungin niyan si Bea? Edi malalaman niyang sinave ko sa Macbook ko at cell phone ko ang picture ng best friend niya. Edi nagtaka yun"sagot ni Thomas.
"Malay mo naman"saad ni Ricca habang nakatitig parin doon.
"Tiningnan ko kung paano kumuha ng mga litrato si Bea. Hindi siya ganiyan kagaling kumuha ng mga pictures niya,"sagot ng lalaki "Kung si Bea nga ang kumuha niyan, bakit naman naging ganoong kahalaga yung picture?"
Matagal bago nakasagot si Ricca at mukhang pinag iisipan.
"I mean, she looks good there and I can feel that there's something in that picture. There's a story behind it, I believe. Kaya nga medyo nalulungkot din ako kasi hindi niya talaga ako pinapansin. Hindi kami masyadong nag usap na after niyang malaman na wala na sa card niya yang picture"
Kumunot ang noo ni Ricca at tiningnan si Thomas.
"I think, kilala ko na"sagot ni Ricca at nakuha naman niya ang diwa ni Thomas.
Binuksan ni Ricca ang laptop niya at may sinearch.
"Anong sine-search mo?"tanong ni Thomas at tiningnan ang screen ng laptop ni Ricca.
Pumunta sa google si Ricca ag may sinearch na pangalan.
"Gabby Reyes"
Napakunot noo si Thomas at napaisip kung sino yun.
Lumabas ang isang website kaya pinindot yon ni Ricca at pinakita kay Thomas. Lumabas ang ilang mga pictures doon ng iba't ibang mga babae.
"What is this?"tanong ni Thomas at tiningnan ang mga litrato ng mga babae.
"The owner of those photos is Gabriel Reyes, si Gabby"sagot ni Ricca.
"So? What's with him and the photo of Ara?"tanong ni Thomas.
"Hindi mo alam?"
"Ang alin?"tanong muli ni Thomas.
Tumingin si Ricca sa kaniya "That's Ara's ex boyfriend"
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Fifty plus votes and I will update! :)
BINABASA MO ANG
Third Wheel
RomansaAng taong naiipit sa pagitan ng dalawang nag iibigan ang siyang lumalaban para sa lalaking minamahal ng kaniyang kaibigan.