Chapter 61

1.3K 56 24
                                    

Matagal pa ang naging panahon ni Thomas at Bea bago ipakilala ng lalaki si Bea sa kaniyang mga magulang. Bukod sa mas binubuo pa nila ang kanilang pagsasama ay abala pa si Bea sa kaniyang pag aaral kaya naman patuloy lang ang kanilang paglabas labas kapag may oras. Sa mga araw naman na hindi kaya ni Bea na makasama si Thomas ay si Ara ang sumasama sa lalaki. Minsan ay kumakain sila o di kaya ay nagpapasundo o hatid kay Thomas sa trabaho. Hindi naman humihindi ang lalaki sa babae sapagkat natutuwa naman siyang kasama ito. Bukod sa makulit na sa kaniya ang babae ay mas lumalalim na ang pagkakaibigan nila. Kaya naman wala na silang problema sa isa't isa. Wala ng pagiilangan at madalas ay nagtutulungan na lamang.

Katatapos lang noong nakaraang linggo ang final examinations ni Bea kaya naman nagkaroon na siya ng oras para sa kaniyang sariling buhay. Sa mga kaibigan, sa negosyo niya at syempre kay Thomas. Hinihintay na lamang ni Bea ang naging resulta ng kaniyang paghihirap kaya ngayon ay nagbabawi na siya ng pahinga.

Pinili ni Bea na dumestino sa condo ni Thomas kaya naman ngayon ay sinusulit nila ang oras para sa isa't isa.

"Babe, labas kaya tayo sa weekend?"pagyaya ni Bea habang nakayapos sa lalaki at nakahiga sa kama.

"Sure, walang problema"sagot ng lalaki.

"Sama natin si Ara. Tagal na nating hindi nag bo-bonding eh"suhestyon ng dalaga.

"Ikaw kasi eh, lagi kang wala"

"Anong ako?! Kainis, alam mo namang hirap na hirap ako sa pag-aaral"laban ng dalaga at natawa ang lalaki.

Hinalikan niya sa noo si Bea "Okay lang naman, proud na proud nga ako sa'yo eh. I'm so lucky that I'm dating a future Doctor"

Napangiti si Bea "I'm luckier because I'm dating The Thomas Torres. Heir of a big land in Tagaytay"

Lalong ngumiti si Thomas at hinalikan si Bea sa labi.

Bumaba ang kamay ng lalaki at hinawakan niya ang dibdib ng babae. Hindi naman naputol ang kanilang mapusok na halikan. Niyapos nang bahagya ni Bea ang lalaki at mas lalong nagdikit ang kanilang katawan. Nagdadalawang isip si Thomas kung idederetso ba niya ang kaniyang gagawin ngunit napawi ang kaniyang pag dadalawang isip noong hinawakan ng dalaga ang kaniyang pagkalalaki.

Baka payag naman si Bea. Sa isip isip ni Thomas.

Unti unting bumangon si Thomas habang naghahalikan parin sila at pumaibabaw siya kay Bea. Hinubad ng lalaki ang tshirt ng dalaga at walang pagpipigil si Bea. Pagkahubad niya nito ay muling hinalikan ng lalaki si Bea at nilaro ang dibdib niya.

Habang mapusok ang kanilang paghalik, unti unti nang hinubad ni Thomas ang brassiere ni Bea.

Tumambad naman sa kaniya ang maputing dibdib ng babae. Binaba naman ni Thomas ang kaniyang labi sa dibdib ni Bea at kaagad napaungol nang bahagya si Bea.

Tumigas ang dalawang utong o nipples ni Bea na siyang mas pinanggigilan ni Thomas. Nilaro laro ng babae ang buhok ng lalaki habang nakapikit siya at nilalasap ang masarap na paglalaro sa kaniya ni Thomas.

Muling umakyat sa labi ni Bea ang lalaki at medyo niyapos siya nito.

"Babe"pagnakaw na salita ni Bea habang naghahalikan sila

"Please do it"bulong niya.

Bumitaw ang lalaki sa halik at nagkatitigan sila.

"What?"bulong ng lalaki.

"I want you to do it"saad ni Bea at hinubad ang tshirt ni Thomas.

"Are you sure? I mean, are you ready for that?"tanong ni Thomas.

Third WheelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon