Chapter 17

712 44 5
                                    

Alas dyis ng gabi ay nakarating sa Bar si Ara at Bea. Naka maikling shorts si Bea at maiksi ring blusa. Si Ara ay may hapit na bestida at halos parehas silang may matapang na itsura dahil sa kolorete na pasimuno ni Bea.

Bago pa sila nakapasok ng bar ay pinagtitinginan na sila ng mga tao lalong lalo na ang mga lalaki. Ang mga naninigarilyo sa labas ng bar at nagpapahangin.

Napangiti si Bea dahil naramdaman n'ya ang gusto n'yang maramdaman bago pa lamang makapasok. Nasa isip isip na n'yang

'It'll be a good night'

Pagkapasok nila ay nabigla na si Ara dahil sa dami ng tao na nagsasayaw at sa ingay. Halo halo na rin ang amoy sa loob. Hindi naman na s'ya naninibago, nabigla lang s'ya.

"Jeanine texted me that they are here"sambit ni Bea sa tainga ng kaibigan "It's better to stay with them"

Pumayag naman si Ara at sumunod na lang s'ya. Magkahawak kamay silang naglalakad papunta sa table na kung saan sinabi ni Jeanine kay Bea kung nasan sila.

"Oh, there they are"saad ni Bea na mukhang nakita na ang mga kasamahan.

Lumapit naman sila doon at bumati na kaagad si Bea.

"Ey Guys!"bati ni Bea at natuwa naman ang mga bagong kaibigan. Nakipag beso s'ya sa lahat.

"So glad you can make it here again"saad ni Monica.

"Well, I don't want to miss the party,"sagot ni Bea "I'm with my best friend,Ara"

Hinawakan n'ya ang kaibigan n'ya kaya napatingin doon ang mga kasama.

"Guys, this is Ara. My best friend"saad ni Bea at ngumiti si Ara sa kanila.

Nakipagkilala naman sila kay Ara at ang ilan ay nakikilala s'ya sa mukha dahil magkakabatch sila sa dating eskwelahan.

"Upo kayo rito! Kakasimula lang din namin halos dito"saad ni Michelle at umupo naman yung dalawa.

"Hindi n'yo kasama si Louie?"tanong ni Jeanine.

"Ah, I did not invited her. I only invited Ara eh"sagot ni Bea.

Napatango naman sila. Sakto naman, may dumating na lalaki sa table at umupo na sinisingit sa couch si Jeron at Jeanine upang makaupo. Napangisi naman si Bea.

"Uy! Thomas ano ba?"may inis na saad ni Jeanine dahil naiipit.

"Sira ulo talaga 'to oh"pagpupuna ni Avo kay Thomas.

"Lasing na 'yan"saad ni Aljun at uminom ng shot n'ya.

Umisod naman sila sa upuan para makasingit ang kaibigan.

Napatingin s'ya sa kaharap n'ya.

"Oh? Andito nanaman itong Escudero"saad ni Thomas na halos hindi na makatingin ng diretso.

Napatawa lang si Bea "Hello Mr.DJ"bati n'ya.

"Psh"sagot ni Thomas at kinuha ang baso na iinumin na sana ni Jeron.

Nabastusan naman ang mga kaibigan n'ya sa kan'ya at pinagsabihan. Natawa lang naman si Bea.

Napatingin si Bea sa kaibigan upang ipaalam na ang lasing na iyon yung Dj na kinukwento n'ya ngunit pagkatingin n'ya sa kaibigan ay medyo nabigla s'ya dahil tulala si Ara habang nakatitig kay Thomas.

Third WheelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon