Nakita naman ni Ara si Bea na nakaupo sa swing na pangbata habang may dalang bote ng tubig. Lumapit naman na si Ara sa kaniyang kaibigan at umupo sa katabing duyan.
"May problema ba?"tanong ni Ara sa kaibigan.
"Masyado siyang isip bata"kaagad na saad ni Bea.
"Huh? Hindi ko nakikita sa kaniya 'yun"sabat ni Ara.
"Buti kayo nagkakaintindihan, mukha ngang hindi mahirap sa inyo ang magkasundo. Kaso kasi, masyado siyang makulit minsan. Kapag sinabi ko kasing tama na, tama na. Siya kasi patuloy pa mangulit"pagpapaliwanag ni Bea.
"Wala ka kasi sa mood 'yun lang 'yun,"sagot ni Ara "Time of the month mo na ba?"
"Malapit lapit na"sagot ni Bea.
"Oh, yun naman pala eh! Huwag ka masyadong mainitin ang ulo, hindi lang nagkakasakto yung mood niya ngayon kasi siya good mood, ikaw hindi. Huwag na kayong magtampuhan, tatatlo na nga lang tayo rito hindi pa tayo mag uusap usap"
Napatawa naman ng konti si Bea "Sabagay, pero ano? Kamusta siya? Okay ba siya? I mean, okay lang ba siya sa iyo?"
Ngumiti nang bahagya si Ara at tumango "Palabiro naman at hindi nahihiyang lumapit. Mukhang matitiis naman niya 'yang arte mo"
Lalong natawa si Bea at pinalo ang kaibigan "You should me on my side! Gaga. Haha!"
"Hindi ako bias, basta ang sakin lang maging maayos kayo. Ayos naman kayong dalawa eh. Walang problema sa inyong dalawa"
Napangiti naman si Bea at namula.
"Luh? Luh? Ngumingiti hanggang tenga? Hala?!"pangloloko ni Ara at natawa si Bea.
Napatingin si Bea sa paligid at nakita niya ang isang parang see-saw o teeter tooter. Mukha siyang rocking chair na umaabante, umaatras at kailangang mabalanse ng maayos ang magkabilang upuan.
"Sis, dun tayo"saad ni Bea at hinila ang kaibigan.
Hinawakan ni Ara si Bea upang makasakay ito at dahan dahan silang sumakay. Nung makaupo sila ay medyo bumababa si Bea nagpapakitang mas mabigat siya kaysa sa kaibigan.
"Damn this carbs"saad ni Bea at natawa lang si Ara at medyo ginalaw galaw ang sinasakyan upang umuna at umabante.
"Woo"pagbibiro ni Ara habang magkahawak kamay sila at umaabante umaatras ang sinasakyan.
"Ara! Baka matumba tayo uy!"sigaw ni Bea at napahawak na sa tabi ng sinasakyan. Patuloy na inuga uga ni Ara ang sinasakyan nila at mas lumalalim ang pagabante atras nito.
"Waa! Aaahhh! Araaa!"sigaw ni Bea sa takot na baka mahulog pero patuloy na mas nilalaksan ni Ara ang pag uga. Lumaki si Ara sa Pampanga kaya sanay siyang sumakay sa upuan ng Lola niya kaya sanay siyang hindi siya mahuhulog kahit gaano pa kalakas ang pag atras abante.
"Ahahahaha!"patuloy sa pagtawa si Ara habang umuuga sila at kahit parang tataob na itong sinasakyan nila ay patuloy na sumisigaw si Bea sa takot.
"Oy! Tama na! Tama na! Fuck!"sigaw ni Bea sa takot at halos mamatay kakatawa si Ara.
Napapatigas na ni Bea ang paa niya upang ituon sa inuupuan ni Ara upang kapag bumababa na si Ara at siyang animo'y mahuhulog ay may panlaban siya kasabay ng pagtayo niya ng konti habang nakakapit.
"Araaaa! Aaaahhh!"sigaw ni Bea sa kaba at tumigil na naman si Ara sa pag uuga nito kaya nanatili na sa gitna. Todo ang pagtawa ni Ara habang nakatakip na sa bibig niya ang kanang kamay at nakapikit. Si Bea naman ay hinahabol ang hininga at pinalo ang kaibigan.

BINABASA MO ANG
Third Wheel
RomanceAng taong naiipit sa pagitan ng dalawang nag iibigan ang siyang lumalaban para sa lalaking minamahal ng kaniyang kaibigan.