Chapter 14

620 34 0
                                    

Makaraan ang isang linggo ay magkasama si Bea at Ara sa pagbili ng gamit sa Mall. Walang patid parin si Bea sa pagyayaya kay Ara na pumunta doon sa Bar na napuntahan n'ya. Abala si Ara sa trabaho kaya ayaw na muna n'ya pero nanatiling makulit ang kaibigan n'ya. Niyaya parin s'ya nito ng niyaya.

"Come on, Sis. Just one night! It'll be great. Maganda yung bar amongst all of the bars we've been. Believe me, hindi ka magsisisi"pagpipilit ni Bea habang hawak ang braso ng kaibigan n'ya na namimili ng gamit sa kanilang bahay. Hindi naman sumasagot si Ara at nakangisi lang, tinatawanan sa loob ang kaibigan.

"Dali na, I want to go there again! Come on! Please? Pretty pretty please?"

Tinignan lang s'ya ni Ara na medyo natatawa. Siguro'y nakukulitan kay Bea.

"Huwag ka ngang magsabi ng please saakin. Alam mong ayaw na ayaw kong may nag be beg sa akin. Atsaka Beng, huwag ka na ngang mapilit,"saad ni Ara "Pagod ako a-"

"Mam Ara"

Napatigil si Ara sa pagsasalita at sabay silang napatingin ni Bea doon sa babaeng lumapit sa kanila. Si Ricca.

"Oh Ricca, andito ka pala"

Laging sagot ni Ara kapag nakikita s'ya nitong kaibigan n'ya.

"Umm, oo. Namimili rin ako. Oh Bea, ikaw pala yan"saad ni Ricca at nagbeso silang dalawa.

"You're losing weight. Ang sexy mo na lalo"pagpuna ni Bea.

"Hay naku, stress lang sa boyfriend ko. Masyado na kasing sutil, ako yung nabibingo"sagot ni Ricca at sabay sabay silang natawa.

"Mga lalaki talaga, ang sakit sa ulo"sagot na lang ni Ara at tiningnan s'ya ni Bea na niloloko. Sa tingin palang ni Bea ay halatang niloloko s'ya sa pagiging bitter n'ya.

"Babe"

Napatingin silang tatlo sa lalaking tumawag kay Ricca at nanlaki ang mata ni Bea dahil kilala n'ya ang boyfriend ni Ricca.

Third WheelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon