Chapter 33

562 30 1
                                    

Habang nagbibigay instruksyon si Bea sa kan'yang trabahador sa opisina ng Cafe n'ya ay hindi n'ya alam na pupunta doon si Ara upang magpalamig. Pumasok s'ya na kala mo ay isang normal na bibili lamang at binili ang mga paborito n'yang pagkain sa negosyo ng kaibigan.

Pagkabili n'ya ay umupo si Ara sa labas kung nasaan ang veranda at nagpalamig.

"Hi Bea"

Habang umiinom ng hot chocolate ay napatingin s'ya sa loob. Nabigla s'ya ng makita ang bagong dating na lalaki at niyapos ng kan'yang kaibigan.

Si Thomas.

Nagakmang walang nakita si Ara at mabilis na nagsuot ng headset. Nagpatugtog ng malakas at tumingin sa ibang direksyon.

Anong ginagawa ni Thomas dito? Hindi puwedeng magkita kami ulit.

Bumilis ang tibok ni Ara habang nakikinig ng musika at hindi nagsasalita. Hanggang sa mabigla na lang s'ya ng may tumapik nang bahagya sa braso n'ya. Kaagad s'yang napatingin at tinanggal ang headset n'ya.

"Sis, I didn't know you were here"tuwang saad ni Bea habang nakahawak sa kamay ni Thomas na ngayon ay nasa likod n'ya.

"I didn't want to bother you"sagot ni Ara.

"Well, good thing Moira told me you were here"saad ni Bea. Si Moira ay yung kahera nila.

Napangiti lang si Ara.

"Good thing 'cause Thomas is here too"tuwang saad ng kaibigan at nagkatinginan si Thomas at Ara sa isa't isa.

Sabay silang bumati sa isa't isa habang nakangiti. Si Ara naman ay todo ang bilis ng puso dahil nakita muli ang lalaki. Hindi n'ya alam kung bakit pero ang tanging alam n'ya ay hindi puwedeng mahalata ng dalawa ang kan'yang kaba.

Third WheelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon