Habang nilalagyan si Bea ng harness ay hindi niya maiwasan na masabik.
"Masyadong mataas eh"saad ni Bea.
"Hindi mataas iyan! Mababa lang oh"pagmamalaki ni Thomas na hinihintay siyang matapos lagyan ng harness.
Napatingala si Bea at kaagad nanlamig. Susubukan nilang mag zipline o di kaya ay mag wall climbing o rapelling. At dahil sila lang namang tatlo ang nandito ay magsasawa sila sa ganito.
"Ikaw Ara? Hindi ka magpapalagay ng harness?"tanong ni Thomas kay Ara na bitbit ang cell phone ni Bea at camera niya.
Umiling si Ara "Ayoko muna"
Hindi naman na napilit ni Thomas si Ara dahil tapos na si Bea sa paglalagay ng harness.
"Tara?"tanong ni Thomas at inilahad ang kamay niya kay Bea. Hinawakan naman ni Bea 'yun at napangiti.
"Ikaw muna mauna ah"saad ni Bea at ngumiti si Thomas.
"Okay, as you wish"
Magkahawak kamay silang umakyat ng tower at si Ara naman ay patuloy ang pagkuha ng litrato sa malinis na lugar at kahit ang tower na inaakyatan ng dalawa kinukuhanan niya ng litrato. Umaasang makakakuha ng 'IG Worth It' niya.
"Aaaaahh!"
Napatingin si Ara sa hagdan at nakita niyang tumatawa si Thomas habang pinapalo siya ng bahagya ni Bea. Siguro'y nag akmang huhulugin siya ni Thomas kaya napasigaw ang kaibigan niya. Napangiti na lang siya at kinuhanan ng litrato 'yung dalawa na hindi nila alam.
"So high!"sigaw ni Bea.
"Mababa lang iyan! Tara na"natatawang saad ni Thomas.
Sa lahat ng lalaking nanligaw kay Bea, kay Thomas lamang natuwa si Ara. Ang iba kasing nanligaw o naging kasintahan ng kaniyang kaibigan ay medyo suplado at hindi naman niya ganoong naging kaclose. Wala namang nagiging problema na si Ara kay Thomas. Mukhang magiging maayos naman pagsasama nila.
BINABASA MO ANG
Third Wheel
Storie d'amoreAng taong naiipit sa pagitan ng dalawang nag iibigan ang siyang lumalaban para sa lalaking minamahal ng kaniyang kaibigan.