Kumain ang tatlo ng tanghalian na halos sila lang ang gumagawa ng ingay. Sila lang ang nagtatawanan at nagkukuwentuhan. Masaya si Bea sapagkat nagkakamabutihan na ng loob ang kaniyang kaibigan at lalaking minamahal. Akala kasi niya ay matagal bago magkasundo ang dalawa pero mukhang hindi naman ito mangyayari.
Habang kumakain sila ay napapansin ni Bea ang maya't mayang pagtunog o vibrate ng cell phone ni Ara ngunit hindi niya ito pinapansin. Nagtaka siya.
"Is that an important call? Or message?,"tanong ni Bea sa kaibigan "Answer it,Sis"
Sumubo lang si Ara ng pagkain at umiling.
Sakto namang umilaw at tumunog muli ang cell phone ni Ara at si Bea na ang kumuha. Nanlaki ang mata niya sa nakita.
"Oh my God Sis, 22 messages?"tanong ni Bea "From Joshua?!"
"Ooooh!,"kaagad niloko ni Thomas si Ara "Si Wim ba 'yan? Yiihiiee"
Binigyan nang nakakalokong ngiti ni Thomas si Ara pero napataas lang ng isang kilay ang dalaga.
"What's a Wim?"tanong ni Bea na tila nawawala sa usapan habang hawak ang cell phone ni Ara at tinitignan yung dalawa na may pagtataka.
Pinagliitan ng mata ni Ara si Thomas at napangiti lang si Thomas habang nagtititigan sila. Nilunok ni Thomas ang kinakain niya at tiningnan si Bea.
"Wim means Walang Iwanan Mahal"sagot niya sa babae.
"Awww!"kaagad natuwa si Bea at binato ni Ara si Thomas ng sitaw sa mukha. Tumawa ng malakas si Thomas at kinuha ang sitaw na tumama sa pisngi niya.
"Mahal na ba talaga?"tanong ni Bea kay Ara na mukhang natutuwa sa nalaman niya.
"Hindi ah!,"malakas na pagtanggi ni Ara "Magpapaniwala ka diyan"
Tiningnan ng masama ni Ara si Thomas at sabay muling kumain. Ngumiti lang ang lalaki na nagpapakitang mas inaasar pa ang dalaga.
"So, sinagot mo na ba siya?"tanong ni Bea habang malaki ang ngiti.
"Anong sinagot?! Hindi ah"sagot ni Ara na napakalaki ng pagtanggi sa ekspresyon ng mukha.
"Why not? I mean, he's a nice guy right?,"tanong ni Bea "Am I right?"
Tiningnan ng dalaga si Thomas at kumunot ang noo.
"Sabi nga nila"sagot ni Thomas na pinapalo ang hindi siya sang ayon sa dalaga.

BINABASA MO ANG
Third Wheel
RomanceAng taong naiipit sa pagitan ng dalawang nag iibigan ang siyang lumalaban para sa lalaking minamahal ng kaniyang kaibigan.