Chapter 6

766 39 0
                                    

Habang naghihintay ng nabook na kotse si Ara sa labas ng opisina nila ay lumapit ang isa sa mga kaibigan n'ya.

"Gabi na Mam ah, bakit andyan ka pa?"tanong nito habang inaayos ang susi ng kotse n'ya.

"Ah Ricca, ikaw pala. Hinihintay ko kasi yung nabook ko sa Uber. Medyo late nga, kailangan ko kasing matapos yung report ko bukas"sagot ni Ara.

Si Ricca ang batch Magna Cum Laude nila. Matalino at mabait si Ricca. Isa s'ya sa naging kaibigan n'ya sa La Salle at ngayon ay kinuha ng Tito n'ya bilang Marketing Assistant Director ng kumpanya.

"Nagpabook ka? Asan si Bea?"tanong muli nito.

"Ayun, nasa bar. Hindi muna ako sumama kasi ang hirap gumising pagpagod. Nakakahiya naman kay Tito bukas kung malate ako"sagot ni Ara

Natawa si Ricca at lumabas ang malaki at pantay na ngipin nito kasabay ng pagliit ng chinita n'yang mata.

"Si Bea talaga, hindi na nagbago. Kala mo hindi mag do-doctor eh" puna ni Ricca "Why not join my ride,Mam? Besides, dadaan naman yung way ko sa condo mo eh"

"Oh no, thank you. The driver might get mad if I cancel the booking"

Natawa muli s'ya "Sabagay, oh sige po Mam. Una na ako. Medyo nagmamadali rin kasi itong boyfriend kong nasa party din. Kailangan kong pagsabihan"

"Hahaha! Hay naku! Ang lala talaga ng mga tao ngayon. Stress reliever ang party"

"I know right, what a mess. Anyways, see you tomorrow Mam"pagpapa alam ni Ricca at nagbeso beso na sila. "Goodluck to us tomorrow"

"Okay, goodbye"

"Bye"

Umalis na si Ricca at dumiretso sa kotse n'ya. Hindi rin nagtagal ay dumating na ang kotse na nabook ni Ara. Sumakay na lang s'ya at umuwi.

Habang nasa kotse s'ya ay tinawagan na n'ya ang Nanay n'ya. Agad na sumagot ito sa tawag nito online.

"Ara, pauwi ka na ba?"

Tanong nito mula sa Orlando na medyo nagpuputol-putol pa ang boses dahil sa magabal na internet connection ni Ara.

"Opo Ma, tinapos ko na po sa opisina yung trabaho ko para bukas diretso report na lang"sagot n'ya.

"Ah, edi mabuti. Natutuwa nga ang Tito mo sa'yo kasi maganda naman daw ang performance mo sa opisina"

Napangiti lang si Ara kasi s'ya itong malapit sa Tito n'ya pero yung tao nasa America pa talaga ang sinabihan. Sa isip isip tuloy ni Ara ay baka hindi naman talaga kinausap nung Tito n'ya ang Mama n'ya. Gumagawa lang ng kuwento upang masabing Proud s'ya sa anak n'ya.

"Si Kuya nga pala Ma? Andiyan?"tanong ni Ara.

"Ah wala, nasa grocery store kasi ako. Nagbigay kasi ng pera itong Kuya mo kaya diniretso ko na para sa gamit sa bahay"

Nagtratrabaho bilang Engineer ang Kuya ni Ara sa America at doon na sila legal na nakatira. Ilang beses man s'yang pilit na pinapapunta doon ng Nanay at Kuya n'ya para doon na magtrabaho ay patuloy lang ang pagtanggi n'ya. Mas gusto kasi ni Ara sa Filipinas dahil mas payapa s'ya at mas konti ang problema. Tsaka ayaw din naman kasi n'yang malayo sa puntod ng namayapa n'yang Ama.

Labing dalawang taon pa lamang si Ara noon ng mamatay sa sakit na Ulcer ang Ama n'ya. Ngayon ay tatlo na lang sila pero hindi parin n'yang maiwan iwan ang kan'yang Ama sa Filipinas.

Bagama't nawalan ng Ama ay naging pangalwang Ama n'ya ang mabait na Tatay ni Bea. Kahit papano ay nalalapitan kasi n'ya ito at nakakausap kahit ilang beses lang pero mabait ang pamilya ng kaniyang kaibigan kaya hindi n'ya maisip na nag-iisa lang s'ya sa Filipinas.

Third WheelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon