Chapter 41

650 38 4
                                    

"Attractive, isn't he?"

Kaagad napatingin si Ara sa kaniyang kaibigan na tinititigan na rin pala ang lalaking papalapit sa kanila.

"Umm, yah"sagot lang ni Ara.

"Haay" naglabas na lang ng hangin si Bea "Feeling ko manliligaw na siya sa akin"

"Ha? What do you mean?"nagpapatay malisya na tanong ni Ara.

"Alam mo naman, siya ang kauna unahang lalaki na nagkakaganito sa akin. Iba yung way niya sa pagtrato saakin. Hindi siya kagaya ng exes ko, he is way better than everyone"

Napangiti lang si Ara pero napatungo na lang siya ng konti, nalulungkot. Hindi niya kayang tulungan si Bea na mas mabuo ang relasyon nila ni Thomas. Hindi niya alam kung bakit ayaw niya na mabuo ang kay Bea at Thomas. Hindi niya alam.

"Bakit niyo ba ako tinitingnan kanina? Nakakailang"natatawang tanong ni Thomas nung makalapit siya sa dalawang babae. Lumapit siya kay Bea at medyo inakbayan ang dalaga.

"Wala lang"sagot ni Bea.

"Anyway, do you want to unpack things na ba?"tanong ni Thomas.

"Hmm, mamaya"sagot muli ni Bea.

"Eh kumain? Pwede raw tayong bumili sa store nila"

"Talaga? Sige, gusto ko ng ice cream. Meron ba?"tanong ni Bea.

"Meron, sige bili ka lang"saad ni Thomas at tumayo si Bea.

"Bili lang ako"pagpapa alam ni Bea at kaagad tumakbo paalis. Umupo si Thomas kung nasaan umupo si Bea at naiwan silang dalawa.

Kaagad bumilis ang tibok ng puso ni Ara pero hindi niya pinaramdam kay Thomas na kinakabahan siya. Narinig niya ang pagkuha ng litrato ni Thomas kay Bea gamit ang cell phone niya. Siguro'y kinukuhanan ang pagtakbo palayo ni Bea.

Bumuntong hininga lang si Ara.

*click*

Kaaagd siyang napatingin kay Thomas at napansin niyang nataranta ito kasabay ng mabilis na pagtago ng phone niya. Kumunot lang nang konti ang noo ni Ara at si Thomas ay nagpigil ng pagtawa. Gusto sanang itanong ni Ara kung kinuhanan ba siya ng litrato ni Thomas pero baka nagkamali lang siya at mapahiya lang kaya hindi na niya ito tinanong pa.

"Hindi mo gusto ng ice cream?"pagsisimula ni Thomas sa usapan.

"Busog pa ko, ikaw?"sagot ni Ara at muling tumingin sa malayo.

"Busog din, bakit ang tahimik mo?"

Napangisi si Ara "Bakit parehas kayo ng tanong ni Bea? Wala lang, pagod lang ako"

Napatawa naman si Thomas ng kaunti "Akala ko nga, ayaw mong sumama saamin"

Kaagad nagbalat kayo si Ara "Hindi ah, gusto ko nga rin magtravel. Gusto ko ng pahinga mula sa problema sa Manila"

"Ako nga rin eh, ewan ko ba diyan sa Manila. Puro problema ang binibigay. Pansamantalang saya lang ang nabibigay. Buti na lang, nakilala ko si Bea"

Kaagad napailing iling si Ara "Kung andito si Beng, for sure nacorny-han na 'yun sa'yo"

"What? Beng?"natatawang tanong ni Thomas.

"Nickname ni Bea yun"

"Talaga?"natutuwang tanong ni Thomas at tumango lang si Ara.

"Di mo alam yun? Haha"

"Hindi, tsaka ano yung sinasabi mong naco-cornyhan si Bea? Bakit? Ayaw ba niya yung mga ganoon?"tanong ni Thomas.

Napatawa si Ara "Beng doesn't like pick up lines or chessy words,"sagot ni Ara "Mas gusto no'n kung ipaparamdam mo at hindi lang puro salita"

Napatango tango si Thomas at mukhang namangha.

"Sa tingin mo, sa akin, ano kayang possible na hindi niya magugustuhan sa akin?"tanong muli ni Thomas na mukhang interesadong interesado.

Napangiti lang ng bahagya si Ara "For now, wala naman akong nakikita and si Beng naman walang reklamo pagdating sa'yo, puro nga puri niya ang naririnig ko tungkol saiyo eh"

"Talaga?"halata kay Thomas ang pagkatuwa.

"Oo,"sagot ni Ara "And for me naman, I think there's nothing wrong with you. I guess, you and Bea are just fine"

Napangiti lang ng bahagya si Thomas at kaagad natawa si Ara.

"B-bakit?"tanong ni Thomas.

"Tingnan mo nga iyang mukha mo! Namumula ka. Hahahaha! Kinikilig ka noh?"

"What?"natatawang tanong ni Thomas at tiningnan ang sarili sa repleksyon niya sa cell phone niya.

"Hahaha, grabe, namumula ka kaya. Hahahaha!"pagtawa ni Ara na sobrang namamangha kay Thomas. Siguro'y dahil ito ang unang beses niyang makakita ng lalaking namumula sa kilig.

Kaagad siyang tinignan ni Thomas "Uy, huwag mong sasabihin kay Bea 'to ah"pagbibiro niya at kaagad natawa si Ara.

Ngayon ay naiintindihan na niya si Bea. Mukha ngang malalim na ang tinginan nilang dalawa sa isa't isa at wala namang problema kay Thomas.

Naisip ni Ara na walang problema kay Thomas para sa kaniyang kaibigan, pakiramdam niya ay totoong tao si Thomas kaya alam niyang walang magiging problema pagdating kay Thomas kay Bea.

Hindi rin magtatagal, mukhang matatanggap na rin ni Ara ang lahat.

Third WheelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon