Chapter 51

565 31 3
                                    

Habang nagbabasa ng libro si Ara at nakahiga sa lounge chair katabi ng swimming pool ay todo ang tawanan nina Thomas at Bea habang naglalaro sa tubig. Nakasuot ng maikling pambaba si Ara ngunit maluwag na puting tshirt na sa loob ay may kulay itim na bikini bra. Mag aala singko na ng hapon kaya wala silang problema sa init ng araw. Tutok sa pagkukuwento ni Michael Connelly si Ara habang yung dalawa ay naglalaro at nagtatawanan sa malawak na paliguan.

"Aahhh!"

Napasulyap si Ara sa kanila nung sumigaw si Bea.

"Thommy naman eh!"pagpapout lips ng kaniyang kaibigan at ngumiti lang ang lalaki. Mukhang nagbibiruan ang dalawa.

Tumigil sa pagbabasa si Ara at tiningnan muna ang dalawa. Kitang kita niya ang saya sa mata ng kaniyang kaibigan at ng lalaki. Naiisip tuloy niya kung magtatagal ba silang dalawa? Kung magiging sila man, sino kaya ang magtatagal? Sino ang unang susuko? Sino ang unang bibitaw?

Totoo magmahal si Bea ngunit minsan ay bulag siya. Madalas siyang maloko at mapag iwanan. Palagi kasing binibigay ang lahat. Sana naman, sa pagkakataong ito ay hindi na muling masaktan pa si Bea.

*Bzzt Bzzt*

Tiningnan ni Ara ang tumunog ang cell phone sa tabi niya. Kinuha niya iyon at binasa ang nag message. Si Joshua.

"Hi, I've been calling and texting you. Are you busy? I heard that you're with Bea and Thomas. Can we please talk? I really miss you"

Napairap na lang ang dalaga at tiningnan yung dalawa. Laking bigla na lang niya nang makita niyang hinahalikan ni Thomas ang pisngi ng babae. At sa tingin niya ay hindi pa doon matatapos yun. Nakita niya ang paggala ng kamay ng dalawa sa katawan ng isa't isa. Napailing iling na lang si Ara.

Saktong tumunog muli ang cell phone ni Ara at nagvi-video call si Joshua. Namili siya kung anong pipiliin niyang makita.

Ang paglalampungan? O ang mukha ni Joshua?

Third WheelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon