Chapter 19

693 43 2
                                    

Habang umiinom ay pasulyap sulyap si Thomas sa babaeng bago sa kan'yang mata. Bukod sa pilit n'yang inaalala kung saan n'ya nakita ang babaeng iyon ay hindi naman n'ya maitatago na nagagandahan s'ya rito. Napakasimple ng ganda nito kumpara sa ibang babae. Gusto gusto kasi ng binata yung ganda ng Tunay na Filipina.

"Bro, you're not gonna play tonight?"tanong ni Ricci sa kan'ya.

Umiling si Thomas bilang sagot. Mas ramdam siguro ng binata na magpahinga katabi ang mga kaibigan at makipag kuwentuhan. Si Thomas kasi ang tipo ng lalaki na tahimik pero ang dami ng tumatakbo sa isip. Medyo seryoso sa buhay pero kapag kasama naman ang mga kaibigan ay medyo kumukulit.

"So saan ka nagtratrabaho Ara?"tanong ni Monica sa kan'ya habang nag iinuman na sila. Sinagot naman n'ya ito at nagkatinginan sila.

"Hindi ba't doon din si Ricca?"tanong ni Avo.

Napangiti si Ara "Ah yeah, kaibigan ko s'ya. Since college"

"Ay weh? Girlfriend ni Prince yun"saad ni Jeanine at tinuro ng konti si Prince. Napangiti lang sila.

"Yes, nagkakilala na kami sa Mall nung isang araw yata"sagot ni Prince at sumang ayon naman sina Ara rito.

"Kaibigan mo si Ricca?"tanong ni Thomas kay Ara.

Tumango si Ara.

"She's my friend since high school"

Napataas naman ang dalawang kilay ni Ara. Halatang nabigla sa sinabi ni Thomas.

"She's one of my closest friends"dagdag pa ni Thomas. Napatango tango na lang si Ara. Siguro'y natatawa na rin sa isip isip dahil ang liit liit nga lang talaga ng mundo.

Tumahimik ang barkada dahil napapansin nila na iba ang tinginan ng dalawa sa isa't-isa. Si Jeron nga ay natatawa na ng kaunti dahil si Thomas ay nakatingin lang ng seryoso kay Ara samantalang ang dalaga ay napapatungo na lang dahil nahihiya.

"Thomas"

Nagising sa katotohanan ang lalaki ng tawagin ni Prince.

"Do you want to talk to Tobe? He arrived"tanong nito na halatang natatawa.

Muling uminom si Thomas at pagkatapos ay tumango. Tumayo na lang s'ya upang makaalis. Kahit walang sinasabi ay halata ng barkada na natitipuhan ni Thomas ang simpleng babae. Halata na nila maliban na lamang sa dalawang dalaga na walang ka alam alam kung ano ang iniisip ng mga magkakaibigan.

Third WheelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon