"Okay! Bye, see you!"
Pagkatapos magpaalam ni Thomas sa kaibigan si Ricca sa cell phone ay kaagad siyang napalingon para tingnan si Ara. Nakita niya itong nakangisi habang pinagmamasdan ang litrato ng kaniyang kaibigan sa laptop niya.
"I took that photo"
Napalingon naman ang dalaga nang sinabi iyon ni Thomas habang palapit sa kaniya.
"Was it good, Ms.Professional Photographer?"pagbibiro ni Thomas sabay tumabi sa babae.
Napatawa lang si Ara "Ayos ah, maganda"sagot niya at ngumiti sa lalaki.
Ngumiti ang lalaki at umupo sa harap ng table niya "The subject itself is beautiful"sagot niya.
Ngumiti na lang ang dalaga at iniabot ang sd card niya "You know what to do"
"Sure, thanks"sagot ng lalaki at siya na ang nag asikaso nung pictures. Humiga naman si Ara sa kama ng lalaki.
"Hanggang dito dala mo yung works mo?"panimula ni Ara habang nakatingin sa kisame ng kuwarto.
"Kailangan eh, may promotion report ako kay Daddy"sagot ni Thomas.
"Aahhh"sagot ng dalaga.
Habang tulala ang babae sa kisame ay hinanap ni Thomas ang mga pictures na nakuha ni Ara. Napangiti siya dahil may ilang mga litrato pa si Bea sa camera ni Ara at mayroon din na magkasama silang magkaibigan. Cinopy niya ito at pinaste sa isang bagong folder na ginawa niya sa laptop niya. Sinave niya ang mga pictures ni Bea na magkasama sila, pictures ni Bea na solo siya at mga pictures ni Bea na kasama si Ara. At dahil nagkaroon pa ng pagkakataong makakuha ng mga litrato si Thomas ay tumingin tingin pa siya ng pwedeng isave sa kaniya.
Napatigil na lang si Thomas ng makita niya ang ilang picture ni Ara. Tiningnan iyon ni Thomas. Nakita niya ang pamilya ni Ara at ang ikinabigla niya ay yung graduation niya. Nakatoga siya habang nasa tabi niya ay isang puntod. Naisip ni Thomas na wala na palang Ama si Ara.
Hindi naman na niya tinanong pa si Ara tungkol doon. Tumingin tingin pa siya ng ilang litrato at habang tumitingin siya ay may nakapukaw ng atensyon niya.
Binuksan niya iyon at kaagad napataas ang dalawang kilay niya.
Isa itong litrato ni Ara na nakatayo kaharap ang palubog na araw. Nakapikit ang dalaga habang ang kaniyang mahabang buhok ay nakalutang dahil sa hangin. Tinitigan pa ni Thomas ang itsura ng babae at nabigla siya dahil kung hindi siya nagkakamali ay may luha sa kaniyang pisngi. Medyo nasa gilid kasi ang pagkuha ng litrato at halos kalahati lang ng mukha niya ang nakikita.
Napalingon siya kay Ara at nakita niyang tulala ito habang nakatitig sa kisame kaya sa isip niya ay hindi naman siguro siya mahuhuli nitong tinititigan ang litrato niya.
Muli niyang binalik ang mga mata sa litrato ng dalaga.
Napapaisip siya.
Bakit siya umiiyak? Saan itong lugar na ito? At sino ang kumuha ng litrato?
"Hi guys"
Kaagad nataranta si Thomas sa biglang pagpasok ni Bea kaya kaagad na lang niyang cinopy ang litratong iyon ni Ara at sinave sa kaniyang laptop. Umakma si Thomas na kunwari'y walang nakitang ibang litrato.
Hindi naman iyon napansin ng dalawang babae.
Ngunit ang hindi napansin ni Thomas ay hindi copy ang nagawa niyang pagkuha ng litrato ni Ara.
BINABASA MO ANG
Third Wheel
RomantizmAng taong naiipit sa pagitan ng dalawang nag iibigan ang siyang lumalaban para sa lalaking minamahal ng kaniyang kaibigan.