Chapter 27

576 35 7
                                    

Alas otso ng gabi ay narinig ni Bea na tinatawag s'ya ng kanilang kasambahay sa labas ng kuwarto n'ya kaya lumabas s'ya.

"Yaya bakit ba? I have so many things to do!"may inis na saad ni Bea pagkabukas palang n'ya sa pinto.

"Mam, may tao po kasi sa labas. Thomas daw po"

"What?!"

Kahit pasigaw na si Bea ay nanatiling mahinhin ang boses n'ya. Nabigla s'ya dahil nandiyan ang lalaking kinakaabalahan n'ya ngayon.

"Papasukin mo. Paintayin mo muna sa sala pakisabi bababa na ako"utos ni Bea sa kasambahay nila at kaagad naman s'yang sinunod nito.

Kaagad s'yang nag-ayos. Nag ipit ng buhok at medyo inayos ang kuwarto. Pati ang damit n'ya ay pinalitan n'ya upang maging maganda sa mata ni Thomas.

Pagkatapos n'yang mag-ayos ay bumaba s'ya ng hagdan at nakita ang lalaki na nakaupo sa sofa. Napatingin sa kan'ya si Thomas. Kaagad itong napangiti ng makita si Bea.

"Hi Thommy"bati ni Bea habang suot suot ang hapit na black sando at maong shorts.

Tumayo si Thomas at hinintay na makalapit si Bea sa kan'ya. Natutuwa naman s'ya dahil nakita muli n'ya ang babaeng nagbibigay ng ngiti sa kan'ya ngayon.

"Hi there pretty girl"bati ni Thomas ng makalapit si Bea at medyo nagyapos sila kasabay ng paghalik ni Thomas kay Bea sa pisngi.

"So glad you visited me"malaki ang ngiti ni Bea.

"Wala kasi saaking inutos si Daddy kaya dumaan na muna ako dito"sagot ni Thomas.

Napangiti si Bea na halatang pigil na pigil ang kilig.

"Is your parents home?"tanong ni Thomas.

"Well, yeah. Actually Daddy's here. Do you want to meet him? He's in his office"

Ngumiti si Thomas "Sure"

Third WheelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon