Chapter 52

510 30 0
                                    

"Hello" bati ng lalaki na mukhang nakahiga lang sa kaniyang kama.

"Hello"medyo walang gana na bati ni Ara at humiga.

"You're beside the pool, right?" tanong ng lalaki habang nakangiti.

"Yes I am," sagot niya "Yung dalawa kasi nage-enjoy sa pool"

Medyo natawa si Joshua "Let me guess, they are kissing?"

Medyo napakunot noo si Ara "How'd you know?"

Tumawa ang lalaki "Knowing Thomas, I know that's his definition of enjoy. Kissing or flirting," sagot nito "Tsaka Thomas loves kissing in the pool. Hindi si Bea ang unang beses"

Napangisi na lang si Ara "Ayos lang, ganiyan din naman si Bea. Kaya siguro sila nagkakasundo kasi parehas talaga sila"

Bumangon si Joshua habang nakaharap parin sa kaniya ang cell phone niya upang magkakitaan sila.

"But don't worry, Thomas is a nice guy. Very loyal," saad ng lalaki "Nothing to be afraid for your friend's heart"

Napatango na lang ang dalaga at muling sumulyap sa dalawa.

Nakita niya itong nagngingitian sa isa't isa habang nakayapos si Bea sa lalaki.

Sana nga'y hindi nagkamali si Bea.

.

.

.

8 PM

"Hindi mo ba titigilan iyang libro mo?"

Napatingin si Ara nang lumapit sa kaniya ang kaibigan.

"Hindi, bakit?"tanong ni Ara.

"Paano mo mae-enjoy yung place kung libro hawak mo? Anak ka ng tipaklong"saad ni Bea at umupo sa tabi ni Ara. Niyapos ng kaibigan si Ara habang nakikibasa rin ng librong hawak ni Ara.

"Ang fun nung zipline noh?"saad ni Bea.

Tumango lang si Ara at patuloy parin ang pagbabasa. Napakunot noo naman si Bea at tumayo.

"Hay naku, tigil tigilan mo na iyan tsaka tinatawag ka ni Thomas sa loob. Yung camera mo raw?"

Napabuntong hininga si Ara "Okay fine,"saad niya at bumangon "Titigil na po ako"

Ngumiti naman si Bea at sinamahan si Ara sa kuwarto ni Thomas. Dalawang kwarto na kasi ang kinuha ni Thomas, isa ay solo siya at yung isa ay para sa magkaibigan.

Kinuha muna ni Ara ang sd card niya mula sa camera at saka sabay silang pumunta sa kuwarto ni Thomas. Pagkapasok nila sa kuwarto ay narinig nilang may kausap si Thomas sa cell phone niya.

"Sis, pumasok ka na. Naiihi kasi ako"pagpapaalam ni Bea sabay umalis na at iniwan ai Ara sa kuwarto ni Thomas.

Pumasok na lang siya mag-isa at nakita siya ni Thomas. Sumenyas ang lalaki ng paghihintay kaya tumigil si Ara at tiningnan ang table ni Thomas. May mga paperworks parin palang dala si Thomas.

Nakita rin niya ang laptop ng lalaki at binuksan. Napangisi na lang siya ng makita niya na ang desktop wallpaper ni Thomas ay si Bea.

Third WheelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon