Chapter 62

947 34 13
                                    

May kataasan ang suot na sapatos ni Bea at elegante ang bestida na kaniyang suot. Pinakilala siya ni Thomas sa kaniya pamilya at naging palangiti siya kasabay sa babalat kayo niya. Ayaw pa naman ni Bea ng sobrang pormal ngunit dahil alam niyang ito ang gusto ng magulang ni Thomas ay ginagawa niya ito. Palakwento ang Tatay ni Thomas at tahimik lang ang Nanay niya. Hindi naman naging mabigat ang usapan lalong lalo na kapag tinatanong sila tungkol sa relasyon nila.

"Hindi pa naman po kami, but I'm willing to court her"pagpapaliwanag ng lalaki.

Malaki ang ngiti ng Tatay ni Thomas at pansin na ang asawa nito ay hindi. Pansin ng kaniyang Nanay na nasa loob ang kulo ni Bea. Ayaw man niyang pansinin at isipin yun ngunit sa nakikita niya ay kusang lumalabas ito.

"Aspiring Doctor ka pala"saad ng Tatay ni Thomas.

"Umm, opo. Konti na lang po maaabot ko na. Sabi ko nga po kay Thomas, bago po kami totally gumawa ng plano, kailangan Doctor muna ako"pagbibiro ng dalaga.

"Anong plano?"tanong ng Nanay ni Thomas "Magpapakasal ba kayo?"

Natawa naman si Thomas at Bea.

"I would love, Ma"sagot ni Thomas at hinawakan ang kamay ng dalaga. They both smile at each other.

"Pag-isipan niyo muna"sagot lang ng Ina.

Uminom ng tubig ang kaniyang Ama saka nagsalita.

"Well, there's nothing wrong with that. She's a businesswoman and also going to be a Doctor. She's perfect"saad nito at ngumiti kay Bea.

Nakatingin lang naman ang kaniyang Ina sa kinakain niya "Not because stabled ang trabaho ay perfect na. Remember, we have plans for our business din, Hon"

"Hon, don't you think Bea is perfect for our child? I mean, unang tingin ko palang sa kaniya. Wala ng problema"sagot ng asawa.

"Are we really aiming perfect for our son?"tanong ng kaniyang Ina at tiningnan ang kaniyang asawa "Are you sure perfect is what Thomas need? We're aiming for enough, not perfect"

Sa isip isip ng dalaga ay medyo napipikon na siya sa Nanay ng binata. Pansin kasi niya na parang ayaw sa kaniya nito.

"Bea is enough"sumagot ang binata "And do you guys really need to talk about this in here?"

Tumingin ang kaniyang Ina sa kaniya "Let me get this straight, anak. You are the heir of our business. And you think a perfect woman can help you through the years?"

"Yes"sagot ng anak.

"No, you need a lady with a soul. I want you to think twice, my child."malumanay na saad ng kaniyang Ina at bumulong "How I wish, Arra's still yours"

Napataas ang kilay ni Thomas "Please Ma, don't talk about Arra. Matagal na siyang wala"

"Arra?"pagtataka na bulong ni Bea.

"San Agustin"bulong ni Thomas

Uminom na lang ng tubig ang kaniyang Ina saka tumayo.

"I better go, may kakausapin pa akong tao. Excuse me"

Hindi naman na sila nagsalita at medyo napangisi na lang ang kaniyang Ama.

"Don't worry about her, Bea. She's just stressed out"saad ng Ama ni Thomas at napatango na lang si Bea.

Alam ni Bea na hindi lahat ng tao sa mundo ay makakasundo niya kaya sanay na rin siyang umintindi sa mga taong may ayaw sa kaniya.

"Kung ayaw niya sa akin, ayaw ko rin sa kaniya. Di siya mahalaga" sa isip isip ng dalaga.

.

.

.

"And I swear! Ang arte niya!"pagkukuwento ni Bea sa kaniyang kaibigan habang nagtratrabaho ito.

Nasa bahay silang dalawa at magka video call.

Napatawa na lang si Ara habang nakikinig at gumagawa ng trabaho.

"Attitude! Like hello? Your son is dating me? Better try to know me first noh? Asar! Like she's too bitchy for me"

Kaagad napatingin si Ara sa kaibigan.

"You know what Bea, I think it's better to watch you attitude. Ikaw 'tong mas bata sa kaniya at Nanay siya ni Thomas! Kaya please lang? Ako yung naiinis sa ugali mo"

Hindi napigilan ng dalaga na ilabas ang inis niya sa kakaibang ugali ng kaibigan niya. Napatigil naman si Bea at kaagad na lang napahawak si Ara sa kaniyang sintido.

"Sorry"sinisi pa rin niya ang sarili niya "Sorry, Sorry. Mainit lang talaga ulo ko. Umm, ang ibig ko lang namang sabihin ay--"

"I get it"biglang saad ni Bea mula sa kabilang linya "Respect his Mom"

Bumuntong hininga si Ara at tumitig lang kay Bea. Ngumiti naman ito.

"Don't worry, I'm not mad at you! I guess you're right. Hmm, I better make her Mom like me na lang"

Napangiti lang nang bahagya si Ara.

"Sige na Sis, I'll just finish my work na rin. Tsaka pupunta si Thommy here eh"

"Again?"tanong ni Ara.

"Yeah! I mean, Dad's not around"saad ni Bea sabay nagtaas baba ng kilay.

"Hay, sige na! Protection na lang, please"

"No need! HAHAHA! Bye!"

"Uy hala--"

Naputol na lang bigla ang tawag na tumatawa ang makulit niyang kaibigan.

Napailing na lang si Ara at napasandal sa upuan niya.

"Kahit kailangan talaga, Beng"

Napatingin na lang ang dalaga sa litrato nilang dalawa sa lamesa niya at siya'y napangisi.

"Parang dati lang, may kaunting hiya ka pa sa balat mo ah"pabirong saad ng dalaga.

Bumuntong hininga si Ara at nabigla na lang siya dahil biglang tumunog ang cell niya.

Hindi niya na tinignan kung sino ang tumatawag.

"Not again, Beng"saad ni Ara sabay sinagot ang tawag "Hay naku Beng, basta kung hindi kayo titigil diyan, titigil na lang ako sa pagpapa alala sa'yo"

Nakarinig ang dalaga ng kaunting pagtawa sa kabilang linya. Nabigla siya dahil narinig niya ang isang boses lalaki.

"Sakit sa ulo pa rin pala si Bea sa'yo"

Tumigil sa pagsasalita ang dalaga kasabay ng pagkatulala. Bumilis ang tibok ng kaniyang puso.

"Hindi ka pa rin pala nagpapalit ng number"

Napalunok ang dalaga at nagsalita.

"Gabby?"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 14, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Third WheelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon