Wala pa sa kalhati ay nakaramdam na ng panlalamig ng katawan si Bea. Matindi ang kapit niya sa kamay ni Thomas na walang kabang nararamdaman.
"Babe, ayoko na"bulong ni Bea.
"Wala pa nga oh,mababa lang iyan"saad ni Thomas sa kaniya habang patuloy silang umaakyat.
Napatingin sa paligid si Bea at kaagad siyang napapikit.
"Babe, ayoko na talaga! Ang taas"saad niya.
"Shut your ass up Babe, it's fine"sagot ni Thomas kaya wala ng nagawa si Bea. Nakarating sila sa taas at kaagad natuwa si Bea kahit na may takot na nararamdaman.
"Oh my G-so beautiful"bulong ni Bea habang pinagmamasdan ang buong berdeng paligid na nakikita niya. Walang makitang maduming usok, walang mga bahay, at panay berde lang ang nakikita niya hindi tulad sa Manila.
"This is so beautiful babe"saad ni Bea.
Napangiti lang si Thomas.
"Ano? Zipline? Or rapelling?"
"Zipline"sagot ni Bea at tumango naman si Thomas. Nakaramdam ng kaba si Bea kaya pinauna ang kaniyang kasama.
"You go first, I'm fucking scared pa"saad ni Bea.
"You sure? Edi maiiwan ka rito?"tanong ni Thomas.
Napadalawang isip si Bea.
"Sige na, ikaw muna"saad ni Thomas.
Namula kaagad ang buong mukha ni Bea at natawa si Thomas.
"Kaya mo 'yan! Ano ka ba? Go lang"saad ng lalaki at niyaya na si Bea na magpakabit na ng harness sa zipline.
Umakyat si Bea sa hagdan upang mailagay na yung harness.
"Iihh, Babe"kabadong saad ni Bea at natawa lang si Thomas.
Habang hawak ni Bea ang kamay ni Thomas ay todo sa paghinga ng malalim ang dalaga.
"Agad agad ba ihahagis?"tanong ni Bea.
"Hindi naman po Mam, kung ready ka na po saka po kita itutulak"sagot ng lalaking nag aassist.
Napatingin si Bea kay Thomas "Baby please? Let me breathe muna"kabadong saad ni Bea.
"Oh sige! Go, inhale exhale babe"tuwang saad ni Thomas. Huminga ng malalim si Bea habang nakapikit. Napangisi si Thomas at dahil hawak naman niya si Bea, may naisip siyang plano. Habang kalmado itong dalaga at humihinga ng malalim kaagad niya itong itinulak.
"Woah! Woah! AAAAAHHHH! Thomaaaaaaas!"
Kaagad na mabilis umarangkada si Bea habang nakapikit at nanginginig. Mabilis ang kaniyang pagtawid habang sumasalubong sa kaniya ang malakas at malamig na hangin.
"Ahahahahaha!"kaagad natawa si Thomas at yung lalaking nagbabantay ay medyo sinabayan na lang ang lalaki sa pagtawa.
Nang makatawid si Bea sa kabilang dulo ay kinausap siya ng mga lalaking nagbabantay.
"Okay lang po kayo Ma'am?"tanong ng lalaki sa kaniya habang nililipat siya sa isang tali na maghahatid sa kaniya sa dulo upang matapos na siya. Mas mababa na ito kaysa sa unang tali na tinawiran niya.
Hindi nakasagot si Bea na animo'y walang narinig na tanong.
"Ay, hindi na makausap si Ma'am"saad nung lalaki at kabadong ngumiti si Bea.
"Woooo!"
Napatingin si Bea sa paparating na lalaki at tumatawid. Kaagad sumama ang loob niya rito.
Nung malapit na rin sa dulo si Thomas ay kasabay na ng pagbilang nung lalaki upang itulak na siya pabalik.
Mabuti pa siya, nagbibilang muna. Sa isip isip ni Bea at pagkatapos ng tatlo ay tinulak na siya. Nagkasalubong naman ang dalawa ngunit si Bea ay medyo mas mababa na dahil pabalik na siya.
"Bea!"pagtawag ni Thomas sa babae pero hindi siya nito pinansin. Sa isip isip ng lalaki ay malamang, nagtampo sa kaniya ito.
BINABASA MO ANG
Third Wheel
RomanceAng taong naiipit sa pagitan ng dalawang nag iibigan ang siyang lumalaban para sa lalaking minamahal ng kaniyang kaibigan.