Chapter 8

638 35 1
                                    

Lumapit si Bea sa abalang DJ na pansin n'yang marami ring tumitingin ditong mga babae.

"Hi Mr.Dj" bati n'ya doon sa lalaki pero hindi s'ya nito pinansin. Naghintay lang ng isang segundo si Bea dahil alam naman n'yang narinig s'ya nito pero hindi lang s'ya pinansin. Nagtagal ng sampung segundo ay hindi parin s'ya nito tinitingnan o sinasagot.

"Ey Thomas, I know you are just ignoring me" may pang aasar na saad ni Bea pero nanatiling binging kawali ang lalaki.

Dala ng kalasingan ay lumakas ang loob n'ya. Umupo s'ya sa table ng DJ at umupong parang sirena na binabalandra ang mahabang makinis n'yang binti sa lalaki. Napansin n'yang napasulyap doon ang binata kaya ngumisi s'ya.

Hinawakan n'ya ang baba na binata at iniharap sa kan'ya. Gumana naman ito dahil humarap ang lalaki sa kan'ya. Mas nasilayan n'ya ang kaguwapuhan ng lalaki.

"Can you please play a perfect song for me, baby?"tanong ni Bea na may kaunting pag aakit sa DJ.

Nabigla na lang si Bea dahil namatay ang music sa buong club. Kaya napatigil din ang mga tao. Medyo kumunot ang noo ni Bea dahil alam n'yang kagagawan yun ng DJ.

"Booooo!"

Sigawan ng mga tao na nabitin dahil sa pagtigil ng sayaw. Inalis ni Bea ang kamay sa mukha ng lalaki at laking bigla n'ya ng kinuha ng lalaki ang mikropono.

"Okay everybody,"nagsalita ang lalaki sa gitna ng katahimikan "Someone is going to dance for us here"

Namula nang kaunti si Bea dahil alam n'yang ipinahiya s'ya ng lalaki. Napatingin s'ya sa mga tao at halatang hinihintay ang pag sasayaw n'ya.

Binitawan ng DJ ang mikropono at tiningnan s'ya nang nakakaloko.

"Dance to this perfect song for you, Baby"saad nito at pinatugtog ang isang mabagal na kanta.

Third WheelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon