Nakarating sila sa kanilang patutunguhan at hindi maiwasan ni Bea na matuwa pagkakita palang niya sa lugar. Malinis at panay berde ang nakikita niya. Walang makikitang tao at kung mayroon man, ito ay ang mga nagtratrabaho rito. Kinausap ni Thomas ang punong tagapagbantay ng lugar at ang magkaibigan naman ay todo na ang pagpupuri at pagtitingin sa lugar.
Habang magkahawak kamay sila ay nakita nila ang animo'y obstacles playground sa lugar. Kaagad natuwa si Bea ng makakita siya ng swing.
"Sis! Sis, dun tayo"pagtuturo ni Bea at kaagad niyang hinila si Ara papunta doon.
Pinagmasdan nila ang lugar habang nagduduyan sila.
"Ang ganda dito no?"nakangiting saad ni Bea.
"Sobra"sagot lang ni Ara.
"Sa tingin mo, bakit kaya Lola Corazon ang pangalan nitong lugar?"tanong ni Bea.
"Malamang, siya ang may ari nito or Lola ng may ari"sagot lang ni Ara. Pansin niya ang walang kuwentang pagsasalita ni Bea, alam niya na nag iisip lang ng paksa ang kaniyang kaibigan upang may mapag usapan.
"Bakit kaya nila ginawang pang tourist 'to?"tanong na naman ni Bea.
"Malay ko, bakit ba ako tinatanong mo?"may pabirong sagot ni Ara at natawa lang si Bea.
"Eh kasi naman, ang tahimik mo kanina sa byahe. Parang wala ka sa mood sumama. Ayaw mo bang sumama?"tanong ni Bea sa kaniya.
Umiling si Ara "Hindi naman, siguro pagod lang ako"
"Ahh, kung may problema sabihan mo lang saakin Sis ah"saad ni Bea at ngumiti.
"Okay"sagot lang ni Ara at napatingin sa malayo. Natanaw niya si Thomas na naglalakad papunta sa kanila. Hindi naman niya maiwasang maisip ang hindi mawala-walang pagpupuri niya sa pisikal na itsura ng lalaki. May maskuladong katawan, maamong mukha, chinitong mata, ang kaniyang natural na pamumula ng labi na nagpapakita na wala siyang bisyo sa paninigarilyo, talagang hindi maiwasan ni Ara ma maisip kung gaano kagwapo ang isang Thomas Torres.
BINABASA MO ANG
Third Wheel
RomanceAng taong naiipit sa pagitan ng dalawang nag iibigan ang siyang lumalaban para sa lalaking minamahal ng kaniyang kaibigan.