Chapter 59

1.1K 135 20
                                    

"Ex niya ito?"tanong ni Thomas.

"Thomas, I know that picture. If I'm not mistaken I really know that picture. I saw that before"

"Saan?"pagtataka ni Thomas.

Muling may sinearch si Ricca at pinakita niya ito kay Thomas. Kaagad namang nabigla ang lalaki sa nabasa. Nominado sa isang international photography competition ang picture na iyon ni Ara at ang nominadong photographer ay ang dating kasintahan ni Ara na si Gabby.

"So professional photographer ang ex niya?,"tanong ni Thomas "At itong picture na ito pa ay nominated as the best photograph of the year?"

"Yes, at ang pagkakantanda ko ang camera na gamit ni Ara ngayon ay ang camera ni Gabby noong kinuha niya ang picture na yun ni Ara"

"So ang ibig sabihin yung camera, sd card at ang picture na ito ay galing sa propesyunal na photographer na ex ni Ara?"

"Yes!"

Napakunot noo si Thomas "Ex na pala eh bakit parang ang halaga pa rin kay Ara ng lahat?"

Nagkipit balikat si Ricca "First boyfriend and first heartbreak"

"Bakit sila naghiwalay?"

"Ang lumabas na issue noon, nagselos daw si Ara. Dahil sa pagiging nominado ni Gabby sa international competition na iyon ay kinuha siya bilang photographer sa London ng mga model. Nung una ayos lang kay Ara kaso may bali-balita na nag cheat si Gabby dahil siguro napapaligiran ng mga babae kaya ayun, nanloko na. Pero walang proweba na nang cheat nga si Gabby. Nagselos na si Ara at ayun, nagbreak sila. Ngayon nasa London parin si Gabby at professional photographer na talaga siya ng mga model. Hindi na umuwi pa si Gabby simula no'n"

Napaisip ng malalim si Thomas. Hindi niya alam pero naramdaman niya na gustong humingi ng tawad kay Ara sa nagawa niya. Kung alam lang niya ang kuwento edi sana ay napaliwanag niya kaagad kay Ara ang lahat.

Hindi niya alam na ganoon pala talaga kahalaga ang picture na ito.

Ano bang meron sa picture? Bakit naging nominado ito? Bakit si Ara ang nandito? At bakit umiiyak si Ara rito?

.

.

.

Kinabukasan, walang magawa si Thomas sa kaniyang condo. Gusto man niyang lumabas ay wala siyang mayaya dahil lahat ay abala sa trabaho. Palibhasa, siya ay bakante ngayon dahil hindi pa rin nabibigay ng kaniyang mga magulang ang trabaho sa kaniya.

Gusto niyang maglunch kasabay si Bea ngunit alam niyang abala ito dahil malapit na ang examinations ni Bea. Wala siyang nagawa kaya bumili siya ng makakain at dumiretso sa opisina ng kaniyang matalik na kaibigan, si Ricca.

Bitbit ang maraming pagkain ay sumakay sa elevator si Thomas. Nagpaalam naman siya kay Ricca kaya alam nitong pupunta ang binata. Nakasuot ng maong na pantalon si Thomas at naka tshirt na puti. Nagsuot din siya ng pang amerikanong formal jacket na kulay itim at may tamang laki na shades. Napapatingin ang nakakakita sa kaniya ngunit hindi niya ito pinapansin.

Noong nasa floor na ng opisina ni Ricca ay bumukas ang elevator. At pagkabukas nito ay saktong may papasok na babae at parehas silang nabigla. Sabay silang napatigil.

Umurong nang bahagya ang babae at hindi pumasok.

"Ara, hi" nakangiting bati ni Thomas at hinubad ang suot na sunglasses. Hindi nakasagot kaagad ang babae at natulala.

Pinagmasdan ni Thomas ang babae at medyo napangisi siya nang makita niya sa napakapormal na kasuotan si Ara. Mataas pa ang heels ng sapatos na suot ng dalaga na halos nakakapantay na niya ang lalaki.

Third WheelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon