9 AM
"Sige, maghintay ka lang. Huwag kang mainip"saad ni Thomas kay Bea habang sinasamahan niyang mangisda.
"Eh baka wala akong makuha tapos sayang ora--aaahhh!"
Natawa si Thomas sa pagsigaw ng dalaga dahil gumalaw na ang kaniyang pamingwit ng isda.
"Hilain mo! May nakuha ka na!"natatawang saad ng lalaki.
"Aaahhh! Thommy ayoko na!!"sigaw ng dalaga sa pagkabigla at binigay ang pamingwit sa lalaki.
"Ahahahaha! Baliw ka talaga"pagtawa ng lalaki at siya na ang humila sa nakuhang isda. Ilang paghihila pa ay naitaas ni Thomas ang isda at laking tuwa naman ni Bea dahil unang beses niyang magawa ito.
"Ahahahaha! Woooow!"tuwang saad ni Bea at nilagay ng lalaki ang isda sa balde. Sabay naman nilang tinignan ang isda sa sobrang tuwa.
"Oh isang isda lang, mahal babayaran natin"pagbibiro ng lalaki at napasimangot naman si Bea.
"Joke lang! Ito naman, sige na. Ikaw na ang kumuha ngayon para matutunan mo"saad ni Thomas at pumayag ang babae. Muling namingwit si Bea at nasa likod lang niya si Thomas.
"Thomas!"
Kaagad napalingon ang dalawa at nakita nila si Ara na papalapit sa kanila, medyo nakanoot ang noo.
"Uh-oh, bad morning for my sis"bulong ni Bea.
"Ako lang naman yata ang kailangan,"sagot ni Thomas "Stay here, kausapin ko lang siya"
Pumayag naman si Bea at lumapit si Thomas kay Ara. At sa gitna ay nagkasalubong sila.
"Bad morning ah"saad ng lalaki.
"Navirus-an mo yata ang sd card ko"saad ni Ara at kaagad napakunot noo si Thomas. Tinaas ni Ara ang dala niya sa kanang kamay niya, ang sd card.
"Ha? Walang virus ang laptop ko. In fact, kapapa ayos ko nga lang no'n eh"sagot ng lalaki.
Lalong kumunot ang noo ni Ara "May nawawalang picture sa sd card ko. Baka navirus-an ng laptop mo 'to. Thomas, mahalagang picture yun!"
Napaisip ang lalaki. Ang tanging alam niya ay cinopy lang naman niya lahat ng kinuha niya. Imposibleng madelete yun.
"Ilang pictures ba ang nawala?"tanong ni Thomas.
Medyo napatigil ang babae pero sumagot din siya kaagad.
"Isa lang pero mahalaga yun. As in sobrang mahalaga yun. Thomas, ibalik mo yun kasi baka may virus na 'to"saad ni Ara.
"Ara, walang nawala diyan kasi lahat naman ng picture namin ni Bea lang ang ginalaw ko at copy ang ginawa ko do'n. Kung nagkavirus man iyan edi sana hakog lahat ng pictures mo. Eh isa lang ang nawala eh. Hindi virus yun,"paliwanag ng lalaki "Icheck mo na lang ulit, baka nandiyan lang 'yun. Wala akong dinelete diyan"
Napabuntong hininga si Ara kahit nakanoot noo parin at tinititigan ang lalaki.
"Bakit? Anong picture ba yun?"tanong ng lalaki.
Bumagal ang paghinga ni Ara at mukhang napapaisip.
"Yun ang pict-"
Medyo nilapit ng lalaki ang sarili niya sa babae kasi humina bigla ang boses ng dalaga. Mukhang nagdadalawang isip kung sasabihin.
"Ha?"pagtataka ng lalaki.
Napailing na lang si Ara "Wala"sagot niya at tumalikod sa lalaki. Nagtaka na lang si Thomas kasi nakita niyang sinabunutan ng bahagya ni Ara ang sarili niya.
Sinundan ni Thomas ng tingin si Ara. Pansin niya na may inis ito sa sarili niya habang naglalakad. Nagtaka na lamang ang lalaki at napaisip.
Anong litrato ang nawala? At bakit iyon naging mahalaga kay Ara?
![](https://img.wattpad.com/cover/102247612-288-k952631.jpg)
BINABASA MO ANG
Third Wheel
Любовные романыAng taong naiipit sa pagitan ng dalawang nag iibigan ang siyang lumalaban para sa lalaking minamahal ng kaniyang kaibigan.