Chapter 39

543 34 2
                                    

Alas dyis ng umaga ay nakarating sila ng Pampanga. Hindi sila masyadong nag uusap o nag kukuwentuhan sa loob ng kotse. Nagbabasa lang si Ara sa iBooks ng phone niya ng isang Paolo Coelho na libro sa likod samantalang yung dalawa naman ay nagtatawanan ng bahagya sa unahan. Habang nagmamaneho kasi si Thomas ay pasimple niyang kukunin ang kamay ni Bea at ito namang si Bea ay medyo natatawa at ayaw ipahawak ang kamay niya. Tumatawa lang naman si Bea at namumula sa kilig samantalang si Thomas naman ay hindi na mawala ang ngiti sa mukha habang nagmamaneho.

Napapatingin man dun si Ara ay hindi niya alam kung bakit siya naiinis. Siguro ay dahil seryoso siya sa pagbabasa at gumagawa ng ingay yung dalawa sa unahan, naiistorbo lang siya. Naiinis pa siya sa maarteng pagsasalita ng kaniyang kaibigan. 'Di na nasanay.

"Ano ba kasi? Keep your eyes on the road naman"malambing na saad ni Bea.

"How can I? Nandiyan ka kasi sa tabi ko eh, hindi ko kayang ibaling ang tingin ko sa iba"

Kaagad natawa si Bea at mapailing iling. Siguro kung may Jologs silang kasama sa kotse ay nagsigawan na iyon at inasar ang dalawa kaso medyo iritado pa nga ang kasama nila sa kotse. Hindi naman alam ni Ara kung bakit siya naiinis pero hindi na lang siya nagsasalita pa o nagpaparinig doon sa dalawa.

"Sis oh!"

Kaagad natawa si Thomas ng magsumbong si Bea kay Ara. Napatingin naman si Ara doon sa dalawa.

"Si Thommy oh, kinukuha kamay ko"pagsusumbong ni Bea sa kaibigan.

Napangisi lang si Ara pero sa loob loob niya, nag ro roll eyes na siya at naiinis.

"Hayaan mo,"sagot ni Ara "Hindi naman niya bibitawan iyang kamay mo"

Kaagad napangiti si Thomas sa magandang sagot ni Ara.

Third WheelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon