Sabado ng gabi ay nasa kuwarto ni Ara si Bea. Pinipilit ipasuot yung maiiksi at masisikip na damit ni Ara upang mas mailabas ang katawan sa Bar na pupuntahan nila. Hindi na kasi nakatiis si Ara sa kaibigan dahil todo parin ang pagyaya nito sa kan'ya sa huling pinuntahan na bar kaya napapayag na lang at ngayon ay naghahanda para sa susuotin n'yang damit sa Bar.
"Sobrang sikip n'yan Beng. Hindi ko susuotin 'yan"saad ni Ara na ngayon ay nakabalot ng bathrobe.
"Tight means good. Come on, wear this! Besides, marami sa'yong papansin na boys d'yan. Hindi ba't iyon ang kailangan mo ngayon? Boyfie?"
Binigyan s'ya ng nakakalokong ngiti ng kaibigan at napailing lang si Ara.
"Beng, ayoko n'yan. Utang na loob, ayokong mag suot ng labas na kaluluwa ko"
Natawa naman si Bea "So ako pala, matagal ng nakakawala ang kaluluwa ko?,"tanong n'ya "Sige ito na lang dress na 'to. I can still remember this dress when you first wore this. It was in ummm"
Napailing iling si Ara "Second anniversary namin ng Ex ko"
"Exactly"sagot ni Bea "This dress of yours is so hot. Guys can melt"
"Baliw"sagot na lang ni Ara at kinuha ang kulay itim na damit. Hapit ito sa katawan n'ya at mataas sa tuhod n'ya ang laylayan. Maiksi man ito ay ayos lang dahil mas napapakita ang hulma ni Ara.
Habang nagbibihis sa banyo si Ara ay nag aayos na ng make up si Bea. Makapal at mas pinili n'ya ang dark lipstick upang mas ipakita ang 'girl power' n'ya.
Lumabas si Ara ng banyo at napatingin si Bea sa kan'ya.
"Ooh-lala"napangiti si Bea.
BINABASA MO ANG
Third Wheel
RomansaAng taong naiipit sa pagitan ng dalawang nag iibigan ang siyang lumalaban para sa lalaking minamahal ng kaniyang kaibigan.