Chapter 24

616 37 1
                                    

Dalawang linggo ang nakalipas at patuloy parin ang pagkikita ni Ara at ni Joshua. Minsan ay nagpapalusot s'yang busy kaya hindi s'ya pupunta pero itong si Joshua ang gumagawa ng paraan. S'ya pa ang pupunta sa opisina ni Ara may dalang pagkain at doon sila kakain. Kahit nakikitaan na ng effort si Joshua ni Ara ay parang hindi parin s'ya nito napapahanga. Siguro'y wala pa talagang balak si Ara sa pakikipag relasyon ngayon.

Uuwi ng dis oras ng gabi ngayon si Ara dahil sa pagbababad sa trabaho. Pilit n'yang tinatawagan si Bea pero hindi ito sumasagot. Pansin n'yang halos isang linggo na silang hindi masyadong nagkikita. Siguro ay busy at wala ng oras dahil sa madugong pagme-med school n'ya. Pero kahit na ganito ay alam naman ni Ara na kahit papano ay nagtetext parin ang kaibigan sa kan'ya. Nagtataka na lang s'ya dahil halos isang linggo na silang di masyadong nag-uusap.

Ilang beses n'ya itong tinawagan pero hindi ito sumasagot. Nawalan na lang s'ya ng gana na magpasundo sa kaibigan kaya nagbook na lang s'ya. Ngunit wala pang dalawang minuto ay nabigla s'ya ng dumating ang kotse ni Joshua.

Bumaba ito at nginitian s'ya.

"Hatid na kita"

Napakunot noo si Ara, buong araw n'yang hindi pinansin ang binata pero nakakapagtakang alam nito na pauwi palang s'ya.

"Paano mo nalamang pauwi palang ako?"tanong ni Ara.

Nagkipit balikat ang guwapong lalaki "I just know"

Sa loob loob ni Ara ay baka kakuntsaba na ni Joshua ang kan'yang kaibigan. Hindi na naman nakakapagtaka kung ganon dahil pilit parin s'ya nitong itinutulak sa lalaki.

Sumakay na lang si Ara sa kotse ni Joshua at hinatid ito sa bahay n'ya.

Kahit nasa kotse sila ay hindi man lang pinapansin ni Ara si Joshua dahil abala s'ya sa pagme-message sa kaibigan. Sa lahat ng puwedeng paraan upang makausap si Bea ay ginawa n'ya. Hindi na kasi n'ya ito nakakausap pa.

"May problema ka ba Ara?"tanong ni Joshua habang nagmamaneho.

"Ah wala,"sagot ng dalaga "Ito kasing si Bea parang sobrang busy. Hindi man lang ako kinakausap. Isang linggo na halos"

"Baka busy lang talaga"saad ni Joshua "Alam mo naman, magdo-Doctor kay-"

"She's my friend not yours kaya alam ko kung may problema o wala. Pwedeng tumahimik ka na lang?"

Nabalot ng katahimikan ang loob ng kotse nang sagutin ni Ara si Joshua. Napatahimik na lang ang binata.

Napailing iling na lang si Ara at nagising sa katotohanan.

"Sorry sorry"bulong ni Ara at medyo tumungo.

"It's okay"bulong ng lalaki habang diretso na ang tingin sa dinadaanan.

"Pagod lang ako. Ang dami kasi saaking pinagawa ng Boss ko atsaka gusto ko na rin talagang magpahinga"

"It's fine"sagot ni Joshua at hinawakan ang kamay ni Ara.

Nabigla na lamang si Ara sa ginawa ng binata. Napatitig na lang si Ara doon sa kamay n'yang hawak hawak ni Joshua. Alam n'ya sa sarili n'yang naiinis na s'ya pero na rin siguro ang lakas n'yang magtaray pa. Napatingin na lang s'ya sa bintana at napaisip.

Nasaan na kaya si Bea?

Third WheelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon