Hinatid ni Thomas si Ara sa kaniyang bahay. Nanginginig pa rin sa takot si Ara at hindi nagsasalita.
"Ay, Mam Ara" saad ni Manang nung pinagbuksan niya ang dalawa ng gate.
"Umm, good evening po, ako po si Thomas, kaibigan ni Ara"pagpapakilala ng lalaki sa matanda "Hinatid ko lang po siya, hindi kasi naging maayos ang takbo sa bar eh"
"Ah ganun ba? Ihatid mo siya sa kwarto niya at ako na lang mag aasikaso sa kaniya"saad ni Manang at pumayag naman si Thomas.
Habang akay akay pa rin ng lalaki si Ara ay umakyat sila sa kwarto ni Ara at ang unang pinto sa kanan ang pinasukan nila. Kaagad namangha si Thomas sa mga nakita niyang litrato sa dingding. Magagandang kuha ng litrato ito pati mga personal na larawan. Dinala ni Thomas si Ara sa kama at pinaupo niya ang dalaga.
"Ara, okay ka na ba?"tanong ni Thomas kay Ara habang nakaupo siya para mapantayan ang dalaga na nakaupo sa kama.
Hindi sumagot ang dalaga at tulala lang siya. May tumutulong luha sa kaniya at pinunasan ni Thomas yun.
"Huwag mo nang pansinin si Joshua"saad ng lalaki "Ako na lang ang bahalang magsampa ng kaso sa kaniya"
Napatungo si Ara at lalo siyang napaiyak. Nabagabag naman ang lalaki at hinawakan ang kamay ng dalaga.
"Tahan na, nandito naman kami eh. Nandito naman ako"saad ng lalaki.
"Sir, ito po ang bimpo at tubig"saad ni Manang habang papasok ng kwarto.
"Umm, ako na lang po ang mag aasikaso kay Ara"saad ni Thomas at medyo ngumiti "Huwag po kayong mag-alala, manliligaw po ako ni Bea. Kaibigan niya"
"Ahh, si Mam Beng ba kamo? Oh siya sige, kapag may kailangan ka. Tawagin mo lang ako ah"saad ng matanda at tumango na lang si Thomas. Lumabas si Manang at sinarhan ang pinto, naiwan naman ang dalawa at lalong lumakas ang pag-iyak ni Ara.
Dahan dahan na kinuha ni Thomas ang jacket niya na nakapatong sa likod ni Ara at hinawakan ang mukha ni Ara.
"Ara, mahiga ka na lang muna"saad ni Thomas.
Pero hindi gumalaw si Ara. Nakatungo lang siya at umiiyak. Wala namang nagawa ang lalaki kaya umupo na lang siya sa tabi ng dalaga. Kahit parehas malamig ang katawan dahil sa kaba ay dahan dahan na inakbayan ni Thomas si Ara. Sinisiguradong hindi matatakot si Ara sa gagawin niya. Di rin nagtagal ay naging matagumpay ang pagakbay niya kay Ara.
"Come here, Ara"bulong ni Thomas "Come"
Lalong umiyak si Ara habang nakatungo kaya si Thomas na lang ang nagkusang yumakap sa dalaga.
"Tahan na"saad nito "Wala nang makakasakit sa'yo"
"Bakit niya ginawa saakin 'to?"bulong ni Ara sa gitna ng kaniyang pag-iyak.
"He's a jerk that's why"sagot ni Thomas "Sabi ko na nga ba, hindi ka dapat nakikipagkita dun eh. Gago yun"
"Ayoko na siyang makita"bulong ulit ni Ara.
"Ako na ang bahala, Ara. Huwag ka nang umiyak"
Hindi naman na sumagot ang dalaga at patuloy lang ang pagluha niya. Maya maya pa ay dumating na si Bea kasama si Jeanine, Jeron at Prince. Iniuwi na nina Ricci at Jollo ang kanilang mga katipan dahil natakot sa kanilang nasilayan. Si Aljun at Avo naman ang siyang nag asikaso kay Joshua.
Umiiyak si Bea sa takot habang yakap yakap niya ang kaniyang kaibigan. Habang pinapakalma ni Jeanine at Bea si Ara , si Thomas naman ay kausap si Jeron at Prince sa isang sulok. Medyo nagbubulungan upang hindi marinig ng mga babae ang pinaguusapan.

BINABASA MO ANG
Third Wheel
RomanceAng taong naiipit sa pagitan ng dalawang nag iibigan ang siyang lumalaban para sa lalaking minamahal ng kaniyang kaibigan.