Chapter 2 (Dewford Academy)

7.3K 146 0
                                    


Joshua's POV

Lumipat na ako ng ibang mauupuan, kasi kulang nalang patayin ako nong babaeng yun. Grabe kasi, ang sama talaga ng tingin.

Nag-indian sit ako at nagpatuloy sa pagkain ng chips. Nabigla naman ako ng sumigaw yong babae at sumugod sa akin.

"Aarrgghh......"

"Hoy ano ba? Tumigil ka nga?", sabi ko sa kanya pero ayaw parin niyang tumigil.

"Papatayin talaga kita!", sabi niya habang kinakalmot ako. Nahulog naman kami, at ngayon nasa sahig na ako at nakadagan siya sa akin at patuloy parin sa pagkalamot o paghampas sa akin.

"Ano bang problema mo?", inis na tanong ko sa kanya. Ano bang problema ng babaeng to, sayang maganda sana at mukhang sexy pero amazona pala.

"Problema ko ay ikaw, kainis ka!", sigaw niya. Wow! Ang gwapo ko pa naman, para problemahin.

"Hoy miss, ang gwapo ko para problemahin mo", angal ko.

"Kung ganon papangit ka kapag nagkaroon ka ng black eye pagkatapos nito", anong sabi niya? Black eye, naku po!

"Samuel tulungan mo naman ako dito, baka mabawasan ang kagwapuhan ko kapag nagkaroon ako ng black eye", pagmamakaawa ko kay Samuel.

"Tsk, bahala ka diyan. Ginusto mo yan eh", hindi ko talaga maaasahan tong si Samuel. Aish kainis naman.

Akmang susuntukin na sana niya ako sa mukha, nang hinawakan ko ang kamao niya. Tinulak ko siya, at ayun sapul sa coffee table.

"Anong nangyari dito?", napabaling naman ako kay Ash na ngayon lang sumulpot.

"Arayy.....yong likod ko", sabi nong amazona. Buti nga sayo, ang sakit kaya ng mukha ko.

"Princess anong nangyari sayo?", nanlaki naman ang mata ko ng tawagin ni Ash yong amazona ng princess. WTF, isang amazona naging princess.

"Ikaw tukmol ka, kapag nakatayo ako dito. Malamang basag na yang mukha", sabi ni amazona habang inaalayan siya ni Ash.

"Ate Glenda!", tawag ni Ash sa maid niya. Aba! Kailan pa nagkamaid si Asher.

"Bakit po Sir Ash?"

"Pakitingnan nga si Alli", sabi ni Ash. Yong babae pa talaga ang inuna niya, habang ako dito nakasalampak parin sa sahig.

"Hoy Asher tulungan mo naman ako dito, ako na nga ang sinaktan ng babaeng yan", sabi ko kay Ash.

"Ano bang ginawa mo?", tanong ni Ash habang tinutulungan akong makatayo.

"Bakit naman ako? Siya nga yong nauna, sandali nga lang. Kaano-ano mo ba yang babaeng amazona na yan, ha Asher?", tanong ko kay Asher.

"Baka naman.......", sabi ko habang nakatingin kay amazona.

"Hoy tukmol! Ano yang iniisip mo?"

"Hoy Joshua! Magtino ka nga, baby sister ko lang naman yan", nanlaki naman ang mata ko sa sinabi niya.

"Kapatid mo yang amazonang babaeng yan?", kunot-noo kong tanong.

"Bakit bawal ba? Baka gusto mong gilitan kita ng leeg?"

"Tumigil na nga kayong dalawa", sermon sa amin ni Ash.

"Hayy bahala ka diyan kuya, sa kwarto muna ako. Bad mood na ako ngayon, dahil sa bisita mong tukmol", kainis talaga tong babaeng to. Tawagin pa naman akong tukmol. Aish!

"Miss Allison, titingnan ko muna kong may bale kayo", sabi nong maid niya. Lagot talaga yong babaeng yun pag nakita ko ulit.

°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°

Bad Boys In Love (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon