Chapter 21 (The Wedding Part 2)

3.4K 108 5
                                    

A/n: PLEASE READ THE AUTHORS NOTE BELOW!!!

PAMPA-SPOILER LANG!

*****

Kristel's POV

"Asan tayo susunod na pupunta, Kris?" tanong ni Alli na kasalukuyang pinapahid ang panyo niya sa kamay niya.

"Balik tayo sa mga bo—hmp!"

Naputol ang sasabihin ko nang may biglang humila sa akin. May kung sinong nagtakip ng panyo sa mata at bibig ko. Kaya hindi ako makasigaw.

May humawak naman sa magkabilang braso ko at nagsimula kaming maglakad.

Asan na kaya si Allison?

Gosh! Ano kayang mangyayari sa akin?

Natigil ako sa pag-iisip nang may marinig akong sumigaw sa malayo.

"KRISTEL!"

Based sa voice, alam kung si Alli ang sumigaw.

May nadinig akong pagbukas ng pinto at mukhang pumasok kami don.

May nagtanggal ng takip sa mata at bibig ko. Ipinikit ko muna sandali ang mata ko para masanay sa liwanag.

Laking gulat ko nang makita ko ang dalawa kong classmate. Kyla and Grace that who are both smiling at me.

"Kyla? Grace? Ano nangyayari, bakit ako nandito?"

"Ehhh! Kinikilig ako para sa inyong dalawa!" Sabi ni Kyla na parang kinikiliti.

"Oo nga! Talagang may chemistry silang dalawa." Kinikilig na sabi ni Grace.

Ano bang pinagsasabi nila?

"Ano bang pinagsasabi niyo?" takang tanong ko naman.

"Kyla! Grace! Eto na yong dress!" Sigaw ni Stella—na classmate ko din—na may hawak na white dress.

"Kyyaahhh! Excited na ako sa mangyayaring kasalan!" Tili ni Kyla at Grace.

Anong kasalan?

Bigla-bigla naman akong tinulak ni Grace palapit kay Stella na malapad na ang ngisi ngayon. Ipinasa naman ni Stella sa akin yong dress at tinulak nila akong dalawa papasok sa isang kwarto.

"Hoy! Anong gagawin ko dito sa dress?" sigaw ko. Isinirado kasi nila ang pintuan pagkapasok ko.

"Suotin mo na lang!" sigaw din nila pabalik.

"ANO?!"

"Basta suotin mo na lang!"

Huh?

Bakit ko naman to susuotin?

Inilibot ko ang paningin sa loob ng kwarto. Merong mga damit na nasa rack, may sofa sa gilid. At may dresser set sa gitna.

Napa-sigh na lang ako bago lumapit sa sofa at nilapag muna ang dress. Sinimulan ko ng magpalit.

Tiningnan ko ang sarili ko sa isang full length mirror pagkatapos kong maisuot ang dress. Napaawang ang bibig ko habang minamasdan ang sarili. Napahawak ako sa mga kumikinang na beads sa dress.

Pero teka nga lang—Bakit ba ako pinapasuot nila ng dress?

Bigla namang bumukas ang pinto at pumasok si Kyla, Grace, at Stella na hanggang tenga ang ngiti.

Nang mapansin nila ako ay agad silang lumapit sa akin.

"Oh my! Bagay nga sayo yong dress!"

"Ang ganda mo, Kristel!"

Bad Boys In Love (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon