Chapter 51 (Jealous?)

2.1K 59 73
                                    

This chapter is dedicated to LoveMissAnonymous

Hi po @binibining_jelay and @queencess_gray_klie 😉

***

Kylie's POV

"Good morning world!" Malakas na bati ko pagkapasok ko sa dining area ng aming bahay.

Automatic na napalingon si mom at dad na nakaupo at parehas na napangiti nang makita ako.

"Good morning, sweetie." Agad na lumapit ako kay mom at hinalikan siya sa pisngi, pagkatapos ay niyakap ko si dad sa leeg.

"Morning, dad."

Ngumiti sa akin si dad at iminuwestra ang upuan ko na may plato, baso at kubyertos na nakahanda na sa harapan. Umupo agad ako at tumusok ng bacon.

"Where's Kyle? Is he okay now?" Dad suddenly asked while reading a newspaper.

"Nasa kwarto pa---"

"Morning."

Awtomatikong napataas ang kilay ko nang pumasok ang kakambal ko na may naka-paste na ngiti sa labi. Humalik muna ito sa pisngi ni mom bago umupo sa kanyang pwesto na kaharap ako. Hindi pa din nawawala ang ngiti nito habang kumukuha ng tinapay. Kahit tipid lang at hindi malapad ang ngiti sa labi ng kakambal ko ay mapapansin mo pa'rin ito. Imagine, si Kyle na hindi na marunong ngumiti ay biglang magkaroon ng isang ngiti sa labi. Eh sa akin nga hindi yan ngumingiti. Ang sarap batukan ng kakambal ko.

Napansin yata niya na nakatingin ako sa kanya dahil siya naman ngayon ang nagtaas ng kilay.

"Why are you looking at me like that?"

"What's with the smile?" Tanong ko na may kasamang pagngiwi.

Kumunot ang noo niya. "Smile?"

"Oh my gosh Kyle! You didn't even. notice that you're smiling? You're weird!" Sabi ko at sumubo ng tinapay.

"Stop that, Kylie. Wag mo ng isturbuhin si Kyle. Baka kasi hindi pa yan nakaka-move on sa ginawang pag-aalaga sa kanya ng nurse niya kahapon." Sabi naman ni mom na may kasamang mahinang tawa.

Kyle cleared his throat.

"Ay oo nga pala no! Ang ganda naman kasing nurse ni Allison!" Sabi ko sabay tawa. Pinanliitan naman ako ng mata ni Kyle.

Ngumisi ako sa kanya at siya naman ay iling iling na bumalik sa pagkain.

***

"Class dismissed."

Sinundan ko ng tingin ang teacher namin na papalabas ng classroom namin. Nang makalabas na ito ay agad na nagtayuan ang mga kaklase ko. Binalingan ko naman ng tingin si Alli na nakapangalumbaba at tulala.

Kumunot ang noo ko. Nakinig ba itong babaeng to sa lessons kanina?

Kinalabit ako ni Kristel at nang malingon ko ito ay nakatutok ito sa kanyang phone.

"Bakit?"

"Hintayin mo na daw natin sila, hindi pa kasi sila tapos sa kanilang activity." Sabi niya na hindi pa'rin inaalis ang tingin sa phone niya.

Bahagyang tumaas ang kilay ko. "How did you know?" Takang tanong ko sa kanya.

"Ethan." Sagot niya at ipinakita sa akin ang text sa kanya ni Ethan.

Pinaekis ko ang braso ko. "Kailan pa kayo naging textmates ni Ethan?"

"Anong textmates?" Biglang singit ni Alli at nang tingnan ko ito ay nakakunot ang noo.

Bad Boys In Love (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon