A/n: Read the authors note guys! At isa akong malaking spoiler!
*****
Kylie's POV
"Ano ba! Bitawan niyo ako!"
"Sabing bitawan niyo ako!"
May nasipa naman ako pero hindi ko yun pinansin at pilit na nagpupumiglas.
"Ouch! Hindi ko na siya kayang hawakan pa, masakit na masyado..." Rinig kong sabi nong isang may hawak sa akin.
"Aish! Konting tiis na lang!" Sabi din nong isang may hawak sa akin.
Pero wait lang.....Parang pamilyar yong boses nila...
"Sino ba kayo ha?! Bakit parang pamilyar ang boses niyo?!" Inis kong tanong.
Hindi sila sumagot at pilit akong hinihila sa kung saan. Putspa! Kanina pa sila hila ng hila!
"Kainis kayo!"
Kapag ako nakawala, siguradong lagot talaga tong dalawang tao na nakahawak sa akin. Aish!
Kanina lang ay masaya pa akong tumitili sa kasalan ng KrisThan. Ngayon naman may dalawang taong humihila sa akin.
Umalis lang ako para bumili ng maiinom dahil namamaos na ang boses ko sa kakatili. Pero bigla na lang may humila sa akin at tinakpan ang mata ko. Putek!
"BITAWAN NIYO AKO!!!" Malakas kong sigaw.
"Aray! Yong tenga ko..."
"Tiisin mo na lang, malapit na tayo..."
"ANONG MALAPIT?!"
Walang sumagot kaya nagpatuloy ako sa pagpupumiglas. Maya-maya ay may nadinig akong pagbukas ng pinto. At bigla na lang nila ako itinulak papasok. Nadinig ko ang pagsara ng pinto sa likuran ko.
At dahil wala ng nakahawak sa magkabilang braso ko, ay agad kong tinanggal ang piring sa mata ko. Lumingon ako sa likuran ko at nakita ko ang pinto na pinagpasukan ko. Sinubukan ko itong buksan pero langya! Nilock lang naman.
Aish! Kainis!
Nilibot ko ang paningin ko sa kabuuan ng room. May nakita naman akong pinto sa gilid kaya agad ko itong nilapitan.
Pinihit ko ang door knob at napangiti ako nang bumukas ito. Dali-dali akong pumasok don at nanlaki ang mata ko dahil sa nakita ko.
Maraming flower petals ang nagkalat sa sahig. The light is dim, at may mga candle lights sa gilid. At may table for two din sa gitna ng room. Pero napaawang bibig ko nang makilala ko ang isang tao na nakaupo sa upuan.
"Dwight..."
Napalingon siya sa akin at gulat ang nasa face expression niya. Dahan-dahan siyang tumayo.
"Kylie?..."
"Anong ginagawa mo dito?" takang tanong niya at humakbang palapit sa akin.
"Ikaw? Anong ginagawa mo dito?" balik tanong ko.
Umiwas siya ng tingin at napailing. Kumunot naman ang noo ko.
"May humila sa akin and then nandito na ako." Sabi niya at mahinang tumawa.
"You?"
"Ahm...the same as yours..."
"Paanong the same?"
"May kung sinong humila din sa akin at pinasok ako dito..." Sagot ko at inilibot ang paningin.
"Piniringan ka?" Bumalik ang tingin ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
Bad Boys In Love (UNDER REVISION)
Roman pour AdolescentsI never expected myself to fall in love with a certain guy. But one day, I just woke up having some feelings for the Bad Boy. In his arms, I found happiness. But it was too late for me to realized that all of it was far from reality. It was just a l...