~BEEP!~
Nabalik ako sa ulirat nang madinig ko ang businang iyon. Nakita ko ang sasakyan ni Kuya Ash na kaka-park pa lang. Maya-maya lang ay bumaba doon si Kuya Ash na may nakakunot na noo. Lumapit siya sa amin ni Kyle at takang tiningnan kami pareho.
"Asher..." Sabi ni Kyle at tinapik si kuya sa balikat.
"Bakit nandito kayong dalawa sa labas?"
Iniwas ko ang tingin ko kay Kuya Ash nang lumingon ito sa akin.
"Hinatid ko lang ang kapatid mo." Sabi ni Kyle sanhi para lingunin ko siya at nakatingin din pala siya sa akin. Naitaas ko ang isang kilay ko.
"Bakit? Saan ba kayo galing?" Tanong ulit ni Kuya Ash kaya napatikhim ako.
Lumingon sa akin si Kuya Ash at tinaasan ako ng kilay. "Saan kayo galing?"
"D'yan lang sa tabi-tabi, kuya! Ano ka ba naman!" Sabi ko habang nakangisi. Pero agad na nawala ang ngising iyon nang tumalas ang tingin sa akin ni Kuya Ash.
"Sa tabi-tabi lang? Sinong niluluko mo?" Sabi niya na parang may bahid ng pagkainis at si Kyle naman ang nilingon.
Napangiwi ako sa inasal na iyon ni Kuya Ash.
Anong problema nitong si Asher Alonzo? Ang sungit ah! Shemay lang...
"Nag-date lang kami, Asher." Sagot ni Kyle na ikinagulat naman ni Kuya Ash. At nagulat din ako dahil sinabi niya talagang nag-date kami.
Sinilip ko ang mukha ni kuya at bakas pa doon na hindi pa siya nakakarecover sa sinabi ni Kyle. Ang OA lang ha...
"Kayong dalawa... nag-date? F-for real?" Tanong niya habang nakaturo ang dalawang kamay sa aming dalawa ni Kyle.
"Uhm...oo.." Sabi ko.
"Why?"
Eh? Takang tiningnan ko si Kuya Ash na nilingon na naman si Kyle.
"Bakit kayo nag-date nitong kapatid ko?" Tanong dito ni kuya na ininguso pa ako. Ano bang nangyayari dito sa Kuya Asher ko?
"Why are you asking?" Sabi ni Kyle na may nakakunot na noo.
"Bakit mo nga idinate itong kapatid ko?!" Kuya Asher asked again.
"Because my mom suggested it, okay? Tss!"
Natahimik si Kuya Ash. May ibinulong si kuya pero hindi ko masyadong narinig. Ano kayang ibinulong nitong kapatid kong may saltik ngayon?
Kyle cleared his throat that makes me look at him again. "Uuwi na ako."
"Huh? U-uuwi ka na?" Biglang naging tanong ko kaya napatingin siya sa akin at ganun na din si Kuya Ash na nakataas na naman ang kilay. Ahitan ko yan eh...
"Bakit? Ayaw mo?"
Ngumiwi ako kay Kuya Ash. Psh!
Tumingin ulit ako kay Kyle at sinenyasan niya ako na aalis na siya kaya napatango na lang ako. Tinapik niya muna si Kuya Ash bago sumakay sa sasakyan niya.
~BEEP! BEEP!~
Bumusina siya ng dalawang beses bago pinaharurot ang sasakyan paalis. Napabuntong-hininga naman ako.
"Ipapasok ko muna tong sasakyan sa garahe. At ikaw? Pumasok ka na ng bahay!" Inirapan ko lang si kuya bago nagmartsa papasok ng bahay.
Kinapa ko ang switch ng mga ilaw na nasa pader at nang makapa ko ito ay binuksan ko ang ilaw. Dumiretso ako ng living room at padaskol na umupo sa upuan ko. Maya-maya lang ay pumasok si Kuya Ash ng living room at umupo sa sofa. Takang tiningnan ko si kuya na tulala na ngayon habang nakahawak sa pisngi nito. Anyare dito?
BINABASA MO ANG
Bad Boys In Love (UNDER REVISION)
Roman pour AdolescentsI never expected myself to fall in love with a certain guy. But one day, I just woke up having some feelings for the Bad Boy. In his arms, I found happiness. But it was too late for me to realized that all of it was far from reality. It was just a l...