Chapter 12 (Mr. Admirer)

4.1K 108 3
                                    

Alli's POV

"Goodmorning Ate Glenda." Bati ko kay Ate Glenda pagkababa ko sa hagdan.

"Magandang umaga din po Miss Allison."

Nagtungo na ako sa dining para kumain ng brekfast.

"Goodmorning Kuya—" naputol naman ako sa sasabihin ko nang walang Kuya Asher ang nakaupo at kumakain ng breakfast.

"Kuya Ash!" tawag ko.

"Ahh...Miss Allison, maaga po palang umalis si Sir Asher." Kumunot naman ang noo ko at binalingan si Ate Glenda.

"Bakit po?"

"Hindi ko po alam, Miss Allison?" Tumango na lang ako at umupo na para kumain.









"Salamat po, Mang Dani."

"Walang anuman po, Miss Allison." Nginitian ko muna si Mang Dani bago lumabas ng kotse.

Naaninag ko naman sa malayo si Kristel kaya kinawayan ko ito.

"Morning Kris!"

"Goodmorning din Alli!"

Umambreseta naman ako kay Kris at sabay kaming pumasok ng academy.

"Ano yun?"

"Ang ano?" Tinuro naman ni Kris ang mga estudyanteng nagkukumpulan sa gym.

May dumaan namang grupo ng babae sa harapan ko kay tinanong ko sila.

"Anong nangyayari don?"

"May binigyan kasi ng punishment ang mga councils." sagot ng isa kaya nagpasalamat ako sa kanila.

"Anong sabi?" tanong ni Kris.

"Punishment daw..."

"Anong punishment?" I just shrug dahil wala din naman akong alam.

"Tara puntahan natin." Before ako maka-react ay hinila na niya ako papunta sa pinagkakaguluhan.

"Excuse me! Padaan!" patuloy lang sa pagsiksik si Kris habang ako ay nagpapahila lang, dahil hawak niya ang braso ko.

Hanggang sa napunta kami sa harapan. At literaly na napanganga ako sa aking nakita. Tatlong pole sa stage ng gym na may nakataling lalaki sa bawat pole. What in the world is happening? I faced Kristel na shock na shock sa nakikita.

"What's hap—" Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nang may tumawag sa akin.

"Allison May Alonzo!" napabaling naman agad ako sa stage at talagang kumunot ang noo ko.

"Oh! Nandyan ka na pala amazona girl." Sabi ng nakangiting si tukmol, at take note—naka-mic ang ugok.

Pinandilatan ko naman siya ng mata, nakakahiya ang ginagawa ng tukmol na to. Madami na kasing nakatingin na estudyante sa akin, ang iba naman ay tinataasan ako ng kilay at nagbubulungan.

Nagulat naman ako ng hinila ako ni Blake palapit sa stage.

"Sandali nga lang! Ano nanaman ba ang pakulo niyo?!" singhal ko kay Blake na nakangiti lang sa akin.

"Just relax Alli..." tinaasan ko naman siya ng kilay.

"Sa kanila mo na lang ibuhos ang galit mo." sabi niya at tinuro ang mga lalaki na nasa taas ng stage.

Nilapitan ko naman ang mga lalaki gaya ng sabi ni Blake. Agad naman akong nainis na matanto kung sino ang mga mukong na to.

"KAYO!" agad naman silang nag-angat ng tingin at nanlaki ang mata ng makita ako. Hindi parin nawala ang iniwang black eye ko sa kanila.
"Diba sila yong muntik ng may masamang gawin sayo, Alli?" agad ko namang nilingon si Blake.

Bad Boys In Love (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon