Chapter 9 (Love Letter)

4.8K 121 6
                                    

Dwight's POV
(Pagbigyan si Dwight!!!)

'Girl, you know I want your love
Your love was handmade for somebody like me
Come on now, follow my lead
I may be crazy, don't mind me
Say, boy, let's not talk to much
Grab on my waist and put that body on me
Come on now, follow my lead
Come, come on no---'

Napaangat ako ng tingin at binigyan ng what's-your-problem-look si Ash, na kanina pa kalabit ng kalabit sa akin.

"Tayo na ang sasabak," sabi niya at pumunta stage kung saan nandon na ang makakalaban namin. I sigh bago tumayo at pumunta sa stage, nakasunod naman sa akin si Samuel at Kyle.

"Rank 9," bulong sa akin ni Samuel. Tumango lang ako at pinagmasdan ang sinasabi nilang rank 9. Nakangisi sila na nakatingin sa amin.

"WHOA! Maghaharap na ang Rank 9 at ang ating Rank 1! At parang kulang yata ang Rank 1 natin!" sabi nong mc na maririnig talaga sa kahit anong sulok ng underground, well nakamic kasi.

"Simulan na natin to!" sigaw nong lider ng rank 9 sa mc.

"Mukhan excited na ang ating Rank 9! Rank 9 consist of 10 gangsters VS Rank 1 na may 4 gangsters lang ngayon!"

Sumugod agad ang kalaban kahit hindi pa tapos sa pagsasalita ang mc. Rank 9 with their dirty tactics. Tsk.

Agad naman akong umilag nang may sumugod sa akin, sinipa ko naman kaya napaungol ito sa sakit. I immediately throw a punch to his face, kaya nawalan siya ng balanse. Sinipa ko agad ang kalaban na papasugod sa akin. Nang makarecover siya ay agad niya akong binigyan ng isang suntok, kaya napahawak ako sa parteng sinuntok. Agad ko naman siyang binigyan ng isang napakalakas na upper cut. Kaya tumba agad siya.

May isa pang sumugod sa akin pero inunahan agad ito ng suntok ni Kyle. Tiningnan ko naman si Kyle, at kagaya ko ay may cut din siya sa gilid ng labi.

"Ang Rank 1 ay Rank 1 talaga. They are invincible, no one can deafet. Kaya ayan bagsak agad ang Rank 9." sabi nong mc.

Umalis agad kami ng undergroud, at dumiretso sa kanya-kanya naming kotse. Sabay-sabay naman kaming nakarating sa Dewford Academy. Inilagay ko muna ang headphones ko at lumabas ng kotse. Binati naman kami ng guard pagkapasok ng academy na tinanguan lang namin.

Naagaw naman agad namin ang atensyon ng mga estudyante kaya agad nila kaming dinumog. But we just ignore them. Sumunod lang ako kila Kyle sa paglalakad, na I'm sure papuntang office.

"Oh my! Nakipag-basag-ulo nanaman ba kayo?" pambungad agad ni Kylie nang makapasok kami sa office. I immediately sit in the couch. Katulad ko ay hindi din pinansin ng tatlo si Kylie.

"It's just a normal gang fight, Lie." Sabi ni Kyle at kumuha ng tubig sa water despenser.

"NORMAL?! Normal lang sa inyo ang gang fight? Nagkakapatayan na nga ang ibang gangster para makuha lang yang titulo niyong rank 1. At parang wala lang sa inyo yun." She said.

"At nagkapasa pa talaga kayo!"

She let out a big sigh nang walang sumagot sa kanya. Inis naman niyang kinuha ang first aid kit box at padabog itong nilagay sa mesa.

"Come here Kyle, gagamutin ko yang cut mo." Pero imbis na lumapit si Kyle kay Kylie, ay nagtungo lang ito sa kanyang swivel chair. Inis namang lumingon sa akin si Kylie.

"Gagamutin ko yang cut mo Dwight. At wag kang umangal dahil bibigwasan talaga kita." I just give her my cold stare. Napasimangot siya at agad na umupo sa inuupuan kong couch.

"It will sting a bit," bulong niya at agad na idinampi ang cotton sa gilid ng labi ko, na mukhang nilagyan niya ng alcohol.

I just look at her nang ginamot niya ako. Binabantayan ko ang pagbabago ng facial expressions niya. I just find it cute. Hindi ko parin inaalis ang tingin ko sa kanya kahit mahapdi ang ginawa niyang pagpahid ng cotton.

Bad Boys In Love (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon