Kylie's POV
"Goodmorning, Kylie..."
"Morning!"
"Hi, Kylie..."
"Hi din!"
Nginingitian ko at binabati pabalik ang mga bumabati sa akin na mga students dito sa hallway. Habang naglalakad ako ay may biglang umakbay sa akin. Base sa pabango, alam ko na kung sino.
"Goodmorning, Kylie!"
Mahina kong siniko ang tagiliran ni Josh.
"Aww! Para saan naman yun?"
Napataas ako ng kilay sa kanya. "Mahina lang kaya yun. Bigla-bigla ka kasing umakbay."
"Mahina? Pero masisira nga ang abs ko."
Mas lalong tumaas ang kilay ko.
"May abs ka ba?" ngising tanong ko.
"Syempre meron! 6 packs! 6 packs ito, Kylie!" sabi niya sabay turo sa may tiyan niya.
"Ipakita ko pa sayo!"
Umiwas ako ng tingin at binilisan ang paglalakad. "Di bale na lang..." sabi ko.
"Oy! Hintay lang! Para namang ayaw mong makita ang abs ko."
"Ayaw talaga. Baka wala yang binatbat sa abs nila Kyle." Napatawa ako ng sumimangot siya.
"Grabe ka Kylie. Nakaka-hurt ka naman..." Sabi niya
Natatawa ko siyang inakbayan. Kaya nakaakbay ako sa kanya hanggang sa makarating kami sa tapat ng classroom ko.
Nagulat ako nang bigla akong inisprayan ni Alli ng perfume pagkaupo ko sa upuan ko.
"Whoa! Himala naman at namigay ka ng perfume. Ikaw pa talaga ang naglagay sa akin!" Sabi ko.
Pumameywang siya sa harapan ko. "Kailangan mo talagang mag-perfume no!"
"Bakit naman? Eh kakalagay ko lang ng perfume pagkaalis ko sa bahay."
"Oo! Nagperfume ka! Pero umakbay ka kay tukmol! Kaya mahahawa ka sa germs niya!" Tinaasan ko siya ng kilay.
"Eh bakit perfume? Diba dapat alcohol?"
Bigla siyang umupo sa upuan niya at kinuha ang libro niya.
"Sorry Kylie ha...Wali kasi tayong budget ngayon pambili ng alcohol."
"Naghahanap kayo ng alcohol?" biglang singit ni Kristel kaya napalingon kaming dalawa ni Alli sa kanya.
"Eto oh. Meron ako." Sabi niya sabay taas ng isang alcohol.
Binitawan naman ni Alli ang libro niya. "Ay! May alcohol ka naman pala, Kristel. Bakit ngayon ka lang nagsabi? Nasayang tuloy yong ilang patak ng perfume ko."
Napatampal na lang ako sa noo ko.
*****
"Hi guys!" Bati ko sa mga boys pagkapasok ko sa office ng mga councils.
"Hi Lie!"
"Kylie!"
"Waaahhhh!!! Kyllliiee!!!"
Nabitawan ko ang mga dala kong folders nang biglang akong yakapin ng mahigpit ni Blake.
"Ang OA mo Blake ah! Para namang matagal na kayong hindi nagkita ni Kylie." Sabi ni Josh kaya napabitaw si Blake sa pagkakayakap sa akin. Lumapit siya kay Josh at sinapak ito.
"Aray! Para saan naman yun?!"
"Panira ka Josh eh! Kitang may pinagpapaselos ako!" Kumunot ang noo ko sa sinabi ni Blake.
BINABASA MO ANG
Bad Boys In Love (UNDER REVISION)
Teen FictionI never expected myself to fall in love with a certain guy. But one day, I just woke up having some feelings for the Bad Boy. In his arms, I found happiness. But it was too late for me to realized that all of it was far from reality. It was just a l...