"Ano ba kasing nangyari?!"
"Kakasabi ko lang, Kylie."
"Huh? Anong nangyari?"
"Muntikan na ngang may mangyaring masama sa kanya!"
Dumilat ako at nagsalubong agad ang kilay ko nang tumambad sa harapan ko dalawa kong kaibigan na sobrang ingay. Bumangon ako sa kinahihigaan ko at napasapo sa noo.
"Alli!" Mabilis na niyakap ako ni Kristel na ikinangiwi ko.
"Goodness gracious Allison!" Mas lalo pa akong ngumiwi nang yumakap din si Kylie.
"Ano ba, ang higpit niyong makayakap." Angal ko at agad naman silang humiwalay sa akin.
Inilibot ko ang paningin ko at napakunot nang makitang hindi pamilyar ang kwartong kinalalagyan ko.
"Nasa'n tayo?"
"Nasa infirmary," ani Kylie.
Nilingon ko ang dalawa, "bakit?"
"Nahimatay ka kanina Alli! Nakalimutan mo?"
Muli akong napasapo sa noo at inalala ang nangyari kanina bago ako napunta dito sa infirmary.
The mysterious box, my picture on it. Yong paso...
Tama, muntikan na pala akong mahulugan ng paso and Ryan saved me.
"Are you okay?" Dinig kong tanong ni Kristel na tinanguan ko lang.
"Totoo bang muntik ka ng mahulugan ng paso Alli?"
"Yeah.."
The two gasped and shock is written in their faces. Bumakas ang pag-aalala sa mukha ni Kristel at lumapit sa akin.
"Hindi ka naman nasugatan diba? Or natamaan ng bubog?" Tanong ni Kristel habang sinusuri ako.
"Nope, nahila agad ako ni Ryan."
"Ryan?!" Kylie asked.
"Oo, bakit?"
Umiling ito, "nothing hehe.."
"Where's Ryan pala? And Kuya Asher?" Tanong ko sa dalawa pero hindi na sila nakasagot nang bumukas ang pinto at pumasok si Kuya Asher at Tukmol.
Seryoso ang mukha ni Kuya Ash at nang bumaba ang tingin ko sa hawak niya ay agad akong kinabahan. Yong itim na box..
"What's this Allison?" Agad niyang tanong sa akin at inilapag ang box sa kama.
"K-Kuya---"
"You've been receiving this and you didn't bother to tell me?" Ani nito at nababakasan ko ang inis sa tono nito.
I bit my lower lip at kinakabahang sinalubong ang tingin ni Kuya Ash.
"Kasi K-Kuya.. akala ko biro-biro lang at n-napagtripan lang ako."
"Biro? Trip lang?"
Mas lalong dumiin ang pagkakagat ko sa ibabang labi.
Bigla niyang binuksan ang box at tumambad ang laman nito. I heard Kylie and Kristel gasped.
"Ganyan ba ang biro-biro lang Allison?" Napayuko ako.
"Ilang ganito na ang natanggap mo?"
"Marami na---"
"Marami na?!" Tumaas ang boses niya kaya napapikit ako ng mariin.
"Bakit 'di mo sinabi sa akin?"
"Sorry Kuya.."
"What if iisa lang yong taong gumawa no'ng kanina at yong nagbibigay niyan?"
Nanlaki ang mata ko at muling napatingin kay Kuya Ash. Is it possible?
BINABASA MO ANG
Bad Boys In Love (UNDER REVISION)
Ficção AdolescenteI never expected myself to fall in love with a certain guy. But one day, I just woke up having some feelings for the Bad Boy. In his arms, I found happiness. But it was too late for me to realized that all of it was far from reality. It was just a l...