Chapter 13 (What? GANGSTERS?!)

3.9K 108 7
                                    

Alli's POV

Binagsak ko ang katawan ko sa kama pagkapasok ko sa kwarto. Kakatapos ko lang kumain ng dinner kasama si Kuya Ash. At talagang panay sermon lang sa akin si kuya, kesyo hindi ako nag-iingat at muntikan na akong gawan ng masama.

At ang tanging sagot ko...

"Sila dapat ang mag-ingat sa akin, kuya. Dahil kung hindi, basag na ang mukha nila."

Napabuntong-hininga na lang ako at tiningnan ang kisame na puno ng stars. Pinasadya kong lagyan ng glow in the dark na stars ang kisame ng kwarto ko para maganda pagmasdan.

Ginulo ko na lang ang buhok ko sa frustration. Tumayo ako at tinungo ang switch ng ilaw at pinatay ito. Ini-on ko naman ang lampshade sa tabi ng kama ko. Humiga ako sa kama at tinakluban ang sarili ko ng kumot.

"May pasok bukas. Hayy..."

Ipinikit ko na lang ang mata ko at hinayaang dalhin ako sa world of dreams.

*Kkkrriiinnggg............*

I growl at pilit na inaabot ang alarm clock ko, pinatay ko naman ito nang maabot ko. Kinusot ko muna ang mata ko at bumangon.

"Goodmorning!" I said.

Nagtungo akong banyo for my morning rituals.

Abala ako sa pag-aayos ng buhok ko when I heard my phone ring. Agad ko naman itong sinilip at nakita ko ang caller I.D. ni Kristel.
I fetch my phone at sinagot ang tawag.

"Hello?"

(Hello Allison!)

"Napatawag ka?"

(Ghad Alli! Where are you now?)

"Nasa bahay pa. Bakit ba?"

(Oh my Alli! As in oh my gosh!)

May narinig naman ako sa backround na mga babae.

"Are you in the campus now?"

(Yeah...Kaya bilisan mo na at pumunta ka dito. Dahil may nalaman akong shocking news.)

"Ano naman yun? And about kanino naman?"

(It's about the boys. Aish! Parang mababaliw na ako!)

"Bakit ba? And how about them?"

(Basta! GOSH ALLISON!)

"Hey—" kumunot naman ang noo ko nang binabaan ako ng tawag.

Ano nanaman kaya ang nangyayari?

Aish! Ang aga-aga problema agad!

Inis kong dinampot ang bag ko at lumabas ng kwarto. Bumaba ako ng hagdan at nagtungong dining room.

Naabutan ko namang naghahanda ng breakfast si Ate Glenda.

"Goodmorning po Ate Glenda."

"Ay! Nandiyan na po pala kayo, goodmorning din Miss Allison." I smiled at umupo sa upuan.

"Where's Kuya Ash?" I asked Ate Glenda.

"Hindi ko nga po rin alam, Miss Allison. Hindi ko po nakita si Sir Ash simula nang magising ako kanina." Sagot niya kaya napatango naman ako.

"Eh sa kwarto niya?" I asked again.

"Wala din si Sir sa kwarto niya. Chineck ko po kasi siya kanina, dahil alam ko pong maaga ang pasok niya." Napatango naman ako sa simabi ni Ate Glenda.

Walang imik lang ako habang kumakain hanggang sa matapos din. Hindi naman pwedeng kausapin ko ang sarili ko, para akong tanga niyan. Si Ate Glenda naman ay nililinis ang pool sa likod bahay.

Bad Boys In Love (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon