Chapter 56 (DM or Dwight Morales?)

1K 35 20
                                    

This chapter is dedicated to: Miyunkilaaabs

  Hi! gillian_annee

Pengeng pwends😅

Thank you so much for supporting this story and enjoy reading guys! :>

~*~

Kylie's POV

Tumaas ang isang kilay ko nang tahimik na umupo si Alli sa kanyang upuan. Kanina ko pa hinahanap ang babaeng 'to at sabi ni Kristel ay lumabas saglit. Saglit? Eh lumipas ang isang oras bago siya bumalik dito sa classroom.

"Saan ka galing?" Tanong ko dito.

Hindi ako nito nilingon at nanatiling nakayuko na mas lalong ikinataas ng kilay ko.

"Sa garden."

Garden? Ano namang ginawa niya doon ng isang oras?

"Ba't ang tagal mo?" Muli kong tanong sa kanya.

Pero hindi ito sumagot at nanatiling tahimik na mas ipinagtaka ko. May something eh..

"Ba't ang tahimik mo girl? Himala ah."

"May nakita kasi akong di-kaaya-aya." Aniya at isinubsob ang mukha sa desk.

"Tulad ng?"

"Katulad ng mag-ex na naghalikan---" Natigilan ito at napatunghay.

Nilingon ako nito at hinawakan sa magkabilang balikat na ikinakunot ng noo ko.

"'Wag ka ng magtanong Kylie hehe."

"Huh? May sinabi ka eh, ano 'yon? Mag-ex na ano?" Takang tanong ko sa kanya.

Sunod-sunod na umiling si Alli. "Wala 'yon Kylie, kalimutan mo na lang 'yon." Muli itong bumalik sa pagkakasubsob sa desk.

Mag-ex na naghalikan? Ay ewan!

***

Humigpit ang pagkakahawak ko sa mga papel na hawak ko, ito ang mga papel na pinapirmahan ko sa kakambal ko. Umihip ang malakas na hangin kaya humarang sa mukha ko ang ilang piraso ng buhok ko. Huminto din ako sa paglalakad at bumuntong hininga nang malaglag ang isang papel.

Bakit ko nga ba tinanggap ang trabahong 'to?

Yumuko ako at tiningnan ang nahulog na papel na nasa paanan ko. Pero natigilan ako nang may humintong itim na pares ng sapatos sa harapan ko at ang nagmamay-ari nito ay walang iba kundi si Dwight.

Niyuko nito ang papel at dinampot.
Kita ko ang pagkunot ng noo niya habang pinagmamasdan ang hawak na papel. Natigilan ako nang mapagmasdan ko ang kabuuan niya at nahigit ko ang hininga ko.

The man named Dwight Morales is standing in front of me. His right hand is on his waist while the other one is tightly holding the piece of paper. I noticed his messy hair as if his hand was always combing it. Hindi din maayos ang pagkakalagay ng neck tie niya at sobrang luwang. Tumitig ako sa mata niya at doon ko lang nalaman na kulay kayumanggi pala ito. One of his eyebrows rose up as if something in the paper caught his attention. My gaze lowered down to his nose and lastly to his lips..

Napakurap-kurap ako habang ang tingin ay nasa labi niya pa'rin. My face immediately heated up when two scenes from before entered my mind.
Nanlaki ang mata ko at agad na napayuko. Mas lalong humihigpit ang pagkakahawak ko sa mga papel. Kung pwede ko lang isubsob ang mukha ko sa mga papel, ay kanina ko pa ginawa.

Bad Boys In Love (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon