Dedicated to: RegineMay7
Alli's POV
Mahigit two weeks na akong nag-aaral sa DA kaya marami na din akong projects and assignments.
Kaya ito ako ngayon sa library gumagawa ng assignment para sa science, at kasama ko din si Kristel. Si Kylie? Ewan ko don, hindi ko pa nakikita ngayong araw yun.
"Hi guys!" Nilapag naman ng hiningal na si Kylie ang kanyang mga libro sa mesa.
"Bakit ka hiningal?" tanong ko habang tutok pa din sa pagbabasa ng libro.
"Ahh...may ginawang papers ako sa office." Napakunot naman ang noo ko.
"Anong office?" Kristel asked.
"Sa council."
"Council?" tanong ko.
"Hindi ko pa pala nasasabi sa inyo na ang kaibigan niyong ito ay officer sa council." Nakangiting sabi niya.
"Anong position mo sa council?"
"Uhm...secretary."
"What?!" gulat kong sabi.
"Ahh...oo."
"Bakit ngayon mo lang sinabi?" binaba ko na ang libro ko at mataman siyang tiningnan.
"Oo nga, Kylie." sang-ayon ni Kylie na ikinatango ko.
"Bakit ba?"
Nagcross-arm muna ako bago nagsalita. "Para maidemanda ko sa inyo ang pamemeste nong tukmol at ng unggoy mong kakambal."
"I think hindi yan pwede..."
"Bakit hindi?" I asked.
"Ahh...kasi part ng council yong dalawa." Napataas naman ang kilay ko.
"Anong position nila, Kylie?" tanong ni Kristel.
"I'm sure member lang sila." Proud kong sabi.
"Ahh Alli. Si Kyle pala yong president."
"Sus! President lang pala...hahaha." Agad namang nanlaki ang mata ko ng magsink-in sa utak ko ang sinabi ni Kylie.
"ANO?!"
"Shhhhh......" Agad naman akong napaupo dahil sa saway ng librarian.
"President siya Kylie?" hininaan ko na talaga ang boses ko para hindi marinig ng librarian.
"Eh sila Ethan, Kylie?" napangiwi naman ako sa tanong ni Kris.
"Silang lahat kasi ay part ng council." sagot naman ni Kylie.
"Hayy...grabe ha!"
Niligpit ko na lang ang mga librong ginamit ko at inilagay sa shelf.
"Oh, bakit nagliligpit ka na?" tinaasan ko naman ng kilay si Kylie.
"Seriously Kylie?"
"Bakit?" naunahan naman akong sumagot ni Kristel.
"May klase pa tayo, Kylie." sabi niya at niligpit din ang gamit niya.
"Ay! Oo nga no!" napasapo na lang ako sa noo ko.
Kristel's POV
Pagkatapos ng klase ay dumiretso kami sa cafeteria for lunch. Nang makaupo kami sa table namin ay agad akong nagpaalam na pupunta muna ako sa girl's rest room.
"Cr muna ako, Alli, Kylie."
"Yeah..." sagot ng dalawa.
Pagkapasok ko sa cr ay agad din akong pumasok sa isang cubicle.
BINABASA MO ANG
Bad Boys In Love (UNDER REVISION)
Novela JuvenilI never expected myself to fall in love with a certain guy. But one day, I just woke up having some feelings for the Bad Boy. In his arms, I found happiness. But it was too late for me to realized that all of it was far from reality. It was just a l...