Dedicated To: michdyosa05
Kristel's POV
"Kristel."
Natigil ako sa pagkain at napatingin kay Kuya Sam na nasa harapan ko.
"Bakit, kuya?"
"Aalis ako ngayon." Tinanguan ko siya at nagpatuloy sa pagkain.
"And..." He paused and give me a serious look.
"Don't leave today."
Nanlaki ang mata ko. Nabitiwan ko ang hawak kong kubyertos sanhi para lumikha ito ng ingay.
"What?!" Gulat kong sabi.
Kuya Sam arched his eyebrow. "I know you heard it clearly, Kristel." Sabi niya.
Napabuga ako ng hangin. "Kuya naman eh! Bakit naman bawal akong umalis?!"
Napanguso ako at nag-cross arm.
"Good morning!"
Agad na lumiwanag ang mukha ko nang pumasok si mommy sa dining room.
"Mommy! Si Kuya Sam oh!" Sabi ko kay mommy.
"Why?" Mom asked then sit in the chair beside me.
"Kuya Sam don't want me to leave today." Agad na tumingin si mommy kay Kuya Sam na kasalukuyang umiinom ng tubig.
"And why is that, Samuel?" Tanong ni mommy kay kuya.
Tinapos ni kuya ang iniinom na tubig at inilapag sa mesa ang baso. "I just want her to be safe, mom. Alam niyo namang kung saan saan lang yan nagpupunta."
"May point ang Kuya Samuel mo, Anne." Mas lalong humaba ang nguso ko.
"And last time I check..." Tumingin siya sa akin. "...muntikan ka ng mawala sa mall."
Napakurap-kurap ako sa sinabi niya.
"Hindi naman 'yan nangyari ah!"
"Oh, is that so? I clearly remembered that you're the one who tell it to me. Last saturday, I guess." Last saturday?
"And."
"And what?" I asked.
"You looked like you're about to cry when you're telling it to me." Aniya at bahagya akong nginisian. Nang-aasar eh!
Napangiwi ako nang maalala ko ang nangyari sa akin last saturday. Totoong muntikan na akong mawala sa mall, buti na lang nakita ko ang exit at nakalabas agad ako doon. Eh sa malaki yong mall at first time ko pa lang na pumunta doon. Kasalanan ni Alli! Hindi niya ako sinamahan non. Ayan tuloy.
"Hindi ako naiiyak non, kuya!" Sabi ko at tinusok-tusok gamit ang tinidor ang hotdog na nasa plato ko.
"Ows?"
Sinamaan ko siya ng tingin. Napailing-iling si kuya Sam habang tinatapos ang pagkain niya.
"Don't look at me like that, Kristel." Umismid lang ako. Ibinalik ko na lang ang sarili ko sa pagnguya ng pagkain.
Napatingin ulit ako kay Kuya San nang tumayo ito. "I'm leaving now, mom." Sabi nito kay mommy na busy sa pagpapahid ng palaman sa tinapay.
Mommy smiled and nod at Kuya Sam. "Okay. Take care, Samuel."
"Of course, mom."
"Kuya Sam!" Tawag ko dito. Nilingon niya ako at kinunotan ng noo.
Nginitian ko si kuya at nag-puppy eyes, ipinagdikit ko din ang kamay ko.
BINABASA MO ANG
Bad Boys In Love (UNDER REVISION)
JugendliteraturI never expected myself to fall in love with a certain guy. But one day, I just woke up having some feelings for the Bad Boy. In his arms, I found happiness. But it was too late for me to realized that all of it was far from reality. It was just a l...