Chapter 23 (Couple Shirt)

3.5K 110 31
                                    

A/n: Gaya ng sinasabi ko sa nakaraang chappy. Paki-basa ang authors note—sa may gusto lang. Maeexcite talaga kayo sa susunod na chappy.

*****


Ethan's POV

Binuksan ko ang pintuan ng office at pumasok.

"Oh! Ethan, man!"

"Kumusta? Anong feeling na ikasal?"

"Oh shut up, Josh!"

Inalis ko ang suot kong suit at sumalampak sa sofa. Bumukas naman ang pinto at pumasok si Kyle at Samuel, na parehong walang emosyon na pinapakita.

"Yow! Kyle! Sam!"

Hindi nila pinansin si Josh at nadiret-diretso lang sa paglalakad. Pumasok si Kyle sa kanyang office, habang si Samuel naman ay tumabi sa akin ng upo sa sofa. Binuklat niya ang hawak niyang libro at nagsimulang magbasa. Napailing na lang ako.

"Hoy! Sagutin niyo naman ako, kumusta yong kasal?"

Sinamaan ko ng tingin si Josh. "Di' ka ba nanood?"

"I'm sorry, Ethan. Hindi ko napanuod ang kasal mo, dahil may importante kaming ginawa." Sagot niya.

"Tama siya!"

Bigla namang sumulpot si Blake at umupo sa tabi ni Josh. Itinaas ni Blake ang suot niyang pants, at minsahe yong binti niya na namumula.

"Anyare dyan?" tinuro ko yong binti niya.

"Nasipa ako, dahil sa importanteng ginawa namin ni Josh..."

Kumunot ang noo ko. Importanteng ginawa?

"Ano ba yang pinagsasabi niyong importanteng ginawa?"

"Wag' mo na lang kami pansinin, Ethan..."

Napailing ulit ako.

Umayos ako ng upo at nag-stretch. Napatingin naman ako sa suot kong singsing. Na isinuot mismo ni Anne sa akin. Napabuntong hininga ako.

Tumikhim naman si Samuel na katabi ko, kaya napalingon ako sa kanya. Nakatingin siya sa suot kong singsing, kaya kinuyom ko ang kamay ko.

Tiningnan niya ako. "Can I ask a question?"

Tumikhim muna ako bago sumagot. "Go ahead..."

Isinirado niya ang libro niya at sinalubong ulit ang tingin ko. Matiim niya akong tiningnan na parang ini-examine ako. Kinabahan ako konti.

"Do you like my step-sister?"

Sa tanong niya na yun ay parang nilukob na ng kaba ang katawan ko.

"B-bakit mo natanong?"

"I just want to ask. Wala namang masama sa tanong ko diba?" Umiling ako.

"So Ethan...Do you like Kristel?"

Biglang may pumalakpak, kaya napalingon ako sa pwesto ni Josh at Blake. Nag-iislow clap lang naman ang dalawa.

"Sagutin mo na Ethan."

"Oo nga!"

Ibinalik ko ang atensyon ko sa tanong ni Samuel. I felt so nervous.

"Uhm...Ye—" Naputol ang sasabihin ko nang bumukas ang pintuan at pumasok si Dwight na madilim ang mukha.

"Oy si Dwight!"

Napahinga ako ng malalim. Dwight saved me. Muntikan na ako don.

"What happened to you?" Samuel asked to Dwight.

Bad Boys In Love (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon