Chapter 17 (Girlfriend?)

3.8K 104 8
                                    

"Okay, class dismissed."

Agad kong niligpit ang gamit ko pagkasabi non ng english teacher namin.

"Lunch na tayo guys, gutom na ako." Napalingon ako kay Kylie na nakahawak na sa tiyan niya.

"Hindi ako makakasama sa inyo this lunch guys." Sabi ko.

"Bakit?" Tanong naman ni Kris.

"Kasi sabi ni ku—"

Naputol ang sasabihin ko nang maghiyawan ang mga kaklase ko at pati na din ang mga estudyante sa labas.

'Omg! Si Fafa Asher nandito!'

'Kyyyahhhh!!! My ghad! Si Fafa Asher!'

'Ang gwapo mo Fafa Asher!'

'I LOVE YOU NA!!!'

Tsk.

Napailing na lang ako sa mga isinisigaw nila.

"Ano namang ginagawa ni Asher dito?"

"Ewan ko, tara tingnan natin."

Napailing na lang din ako kay Kylie at Kristel.

"ALLISON MAY ALONZO!"

Napatakip ako ng tenga nang sumigaw si Ryan na katabi ko lang.

"Ano ba?!"

"Oops! Nandyan ka lang pala Alli, hinahanap ka ni Asher."

"Wait lang Alli!"

"Bakit?"

"Kaano-ano mo ba yong Asher na yun?" Sinamaan ko naman siya ng tingin.

"Hehehe...sabi ko nga magkapatid kayo. Alis ka na nga, nababawasan ang kagwapuhan ko kapag nandyan si Asher."

Tsk. Ang yabang ng lalaking to.

Nagtungo na lang ako sa pintuan ng room, kung saan pinagkakaguluhan ang magaling kong kuya.

"Nandito na si Allison!" sigaw ng isa kong kaklase. Agad naman silang nag-give way para makadaan ako.

'Ang swerte ni Alli no.'

'Oo nga, ang swerte niya at nakakasama niya si Fafa Asher.'

'Ehhh...naiinggit ako!'

'Okay lang yan, nandyan pa naman sila Fafa Kyle na single pa din.'

Grabe! Kakaiba din to sila eh no!

Lumapit na lang ako kay kuya na naka-abang sa may pintuan.

"San' kayo maglu-lunch?"

Napalingon ako kay Kylie na nakasandal sa hamba ng pinto.

"Ewan ko kay, kuya." Sabi ko at tinuro si kuya Ash sa tabi ko.

"Grabe ka Kylie! Para namang mag-jowa yang dalawa. Magkapatid yan Kylie, magkapatid!" Saway naman ni Kristel at hinila si Kylie papasok ng room.

"Enjoy your lunch!" Pahabol pa niya. Napailing na lang ako habang inaayos ang straps ng bag ko.

Bigla namang kinuha ni kuya ang bag ko.

"Ano ba kuya! Hindi naman ako bata para ikaw ang magdala nyan."

Bad Boys In Love (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon