"Alli, doon naman tayo!" Sabi ni Kristel at hinila ako papunta sa isang booth.
Ano ba naman tong si Kris. Kanina pa hila ng hila eh! Simula lang nong tumuntong kami sa lugar kung saan ang mga booths, ganyan na siya.
"Kkyyyaahhhh! Ang cute nong teddy bear!" Tili ni Kristel.
Ang sakit sa tenga ah!
"Alli! Yong teddy bear ang cute."
"And so?" tanong ko sabay taas ng kilay.
"Gusto kong makuha!"
"Asan ba diyan?" Tinuro naman niya yong malaking teddy bear na may hawak na heart.
Cute ba yan? Mas gusto ko pa yong pikachu na stuff toy.
"Eh di bilhin mo!" Inis kong sabi.
"Pero bawal eh..." nakapout na sabi niya.
Bawal daw? Tsk!
Napilitan akong lapitan yong stall at tinanong kung magkano yong teddy bear na malaki.
"Ah pasensiya na, hindi kasi yan binibenta." Nagsalubong ang kilay ko.
"Eh bakit niyo dinisplay kong hindi niyo naman binibenta?!" Inis kong tanong.
"Kailangan niyo lang kasing patumbahin yun para makakuha ng stuff toy." Sabi niya sabay turo don sa nakalinyang teddy bear din.
Tsk. Akala naman nila maglalaro ako nyan. Alam kong dadayain lang ako sa larong yan. Kahit anong tapon mo ng bola, hindi naman nahuhulog—kasi nga nakadikit ng super glue.
Inis akong bumalik sa tabi ni Kristel.
"Tara na!"
"Ita-try ko munang laruin yun, baka swertehin ako at makuha ko yong teddy bear."
"Di...madaya ang laro na yan..." Sabi ko at hinila siya, pero ang babae ayaw magpahila.
"Sige na Alli, saglit lang naman..."
Haaayyyy...!
"Sige na nga! Pero pagkatapos nito ay kakain na tayo!" Sabi ko at tumango siya bago lumapit don sa stall.
"Ay!"
Roll eyes.
"Ano ba yan!"
Sigh.
"Last time na to, kaya—waahhh! Bakit ayaw mahulog!"
Roll eyes ang cross arm.
"Oh ano?" tanong ko kay Kristel na nakasimangot na ngayon.
"Hindi nahulog eh..."
Sabing madaya ang laro na yan! Ayaw talagang makinig!
"Oh san' ka pupunta?" tanong ko kay Kristel na parang may plano pang bumalik sa booth.
"Ita-try ko ulit." Yan siya eh.
"Bawal." Tipid kong sagot.
"Ano ka ba naman Alli! Ako naman ang maglalaro hindi naman ikaw. At last na to." Sabi niya at itinaas pa ang isang kamay.
Ano pa nga ba ang magagawa ko.
"Last na yan."
"Kyaahhh!"
Agad siyang bumalik don sa madayang booth. Tsk. Nagsasayang lang siya ng pera. Bente pesos para sa tatlong bola lang. Tsk. Mabuti pang ipambili ko ng chichirya.
Bokya!
Bokya!
Bokya!
Tatlong tira ng bola ang ginawa niya pero ang labas ay malaking BOKYA! Hindi man lang natinag yong teddy bear na dapat patamain. Madaya!
BINABASA MO ANG
Bad Boys In Love (UNDER REVISION)
Teen FictionI never expected myself to fall in love with a certain guy. But one day, I just woke up having some feelings for the Bad Boy. In his arms, I found happiness. But it was too late for me to realized that all of it was far from reality. It was just a l...