This chapter is dedicated to : MoonLightGacha0
Enjoy reading❣
~*~
"BITAWAN MO SIYA TANG'NA KA!"
Agad akong napalingon sa unahan at kasalukuyang papalapit siya at nababakasan ng galit ang ekspresyon ng mukha niya.
Naramdaman ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko dahil sa kaba. Pa'nong nandito s-siya?
Pansin ko na mas dumilim ang mukha ni Neo nang makita si Kyle, napakagat ako sa ibabang labi ko nang mas lalo pang humigpit ang pagkakahawak niya sa pulso ko. Ramdam na ramdam ko ang pagbaon ng kuko niya sa pulso.
"Bitawan. Mo. Siya." May diin sa bawat salita na sabi niya.
"Kyle.." Mahinang banggit ko sa pangalan niya.
Then suddenly he shift his gaze on me at mas lalong dumoble ang tibok ng puso ko. Saglit na lumambot ang eskpresyon sa mukha niya na agad na bumalik sa dati at pansin ko ang pagtatagis bagang niya at pag-igting ng panga.
Biglang tumawa si Neo, "bitawan?"
Napahiyaw ako nang padaskol niya akong binitawan at bumagsak ako sa semento. Ramdam ko ang pagkirot ng binti ko dahil ito ang ginamit ko upang di ako tuluyang humandusay sa semento.
"Bastard!" Sa isang kisap-mata ay nakalapit si Kyle kay Neo at nagpakawala ng malakas na suntok na tumama sa panga ni Neo.
Napaatras ito dahil sa lakas ng suntok ni Kyle pero parang wala lang ito sa kanya. Gumanti ito ng suntok pero mabilis na nakaiwas si Kyle bago nagpakawala ng isang suntok at natamaan ulit si Neo.
"F*ck!" Mura ni Suarez at bahagyang lumapit sa dalawa.
"Salvador!" Kyle's bloodshot eyes turned to Suarez.
Nanlaki ang mata ko nang kumilos si Neo at bago ako makasigaw ay tumama na ang kamao niya sa mukha ni Kyle. Napaatras si Kyle at sinapo ang parteng natamaan. Napasigaw ako nang hawakan ni Neo ang kwelyo ng damit niya. Tumayo ako para pumagitna sila pero bago ko iyon magawa ay may babae nang nakagawa nito. Napigilan nito ang akmang pagsuntok ni Neo kay Kyle.
"Neo! Ano ba!" Pamilyar na boses ang nadinig ko kaya napatitig ako sa babae.
Kasalukuyang nakahawak ito sa kamay ni Neo na mahigpit ang pagkakahawak sa kwelyo ni Kyle. Nalipat ang tingin ko kay Kyle at masama ang tingin nito kay Neo at kitang ko ang kamao niyang namumuti na dahil sa higpit ng pagkakakuyom niya. Alam kong gustong-gusto na niyang suntukin ulit si Neo.
"Anong ginagawa mo dito? Umalis ka dito!" Galit na sigaw ni Neo sa babae.
"Ano ba Neo! Bitawan mo siya!" Pilit na inaalis ng babae ang kamay ni Neo sa damit ni Kyle. Maging si Suarez ay nakalapit na din sa kanila.
Nagulat ako nang makalapit si Kuya Asher sa tabi ni Kyle. Nilingon ko ang likuran ko at nakitang kompleto pala silang lahat, tumuon ang paningin ko kay Kristel na di ko namalayang nasa tabi na pala ni Ethan. Pansin ko ang kamay nitong nasa bewang ni Kristel.
Tuluyan na akong lumapit kina Kyle at natigilan ako nang makilala ko kung sino ang babae.
"Ate Kate.." I whispered.
Tiningnan niya ako at kalaunay umiwas ng tingin.
"Neo! Bitaw na!" Inis na singhal niya kay Neo pero parang walang narinig ito. Matatalim pa din ang tingin nito kay Kyle na walang emosyong nababakasan sa mukha.
BINABASA MO ANG
Bad Boys In Love (UNDER REVISION)
Teen FictionI never expected myself to fall in love with a certain guy. But one day, I just woke up having some feelings for the Bad Boy. In his arms, I found happiness. But it was too late for me to realized that all of it was far from reality. It was just a l...