Chapter 69 (Present Time)

212 13 20
                                    

[Warning: Grammatical errors ahead]



***




"Allison!" 

Hindi ko pinansin ang ginawang pagtawag niya sa akin. But she's so persistent, sinundan niya pa 'rin ako.

Naramdaman ko ang paghawak niya sa braso na agad ko 'ring binaklas. Mariin sa pagkakalapat ang labi ko habang naglalakad. Alam kong nakasunod pa 'rin siya sa akin dahil sunod-sunod ang pagtawag niya sa pangalan ko.

"Alli---"

"Ano ba!" Malakas na sigaw ko at marahas na nilingon siya. Sumalubong sa paningin ko ang magandang mukha ni Faith na bahagyang gulat. Agad 'din siyang nakabawi at bumukas sa mukha niya ang isang emosyon na ayaw na ayaw kong makita sa kanya.

"Alli.." 

Humakbang ako paatras nang akma niyang hahawakan ang kamay ko.

"Ano ba Faith! Bakit ka ba sunod ng sunod ha?!" Inis na sigaw ko ulit.

"I just want to talk to you.."

Napaismid ako. "Talk? Talk?! Sobrang hirap bang intindihin ang mga salitang 'ayaw kitang makausap'? Manhid ka ba?! Bakit ba hindi mo maramdaman na hindi kita gustong makausap? Hindi ko gustong makita ang pagmumukha mo kaya please naman Faith! Huwag na huwag mo na akong lapitan!" 

I gritted my teeth and I clasped my hand tightly. 

"W-Why? Why are you like that? W-Wala naman akong ginawang masama sayo ah?" 

Pagak akong tumawa at hindi makapaniwalang tiningnan siya.

"Wala?" Bumuga ako ng hangin.

"Really Faith? Wala? Putangina inagaw mo lahat Faith!" Suminghap ako kasabay ng pangingilid ng luha ko.

"You and your flirtatious mother! Inagaw niyo si Daddy kaya nasira ang dating perpektong pamilya namin! Dahil sa inyo namatay si Lolo!" Tuluyan ng tumulo ang luha ko kasabay ng pagsakit ng lalamunan ko.

Kasalukuyan na 'rin siyang umiiyak ngunit wala akong pakialam. Wala siyang karapatang umiyak!

"I-I'm sorry---"

"What?! Sorry? You're sorry now?"

Humakbang ako papalapit sa kanya at mariing hinawakan siya sa braso niya. Napasinghap siya dahil doon.

"You know what? When I heard about what happened to your flirtatious mother.. sorry, but I was so damn happy Faith." I bitterly smiled when I remembered my self with a frugal smile on her mother's burial.

"I thought everything would go back to normal.. that Mommy and Daddy's relationship would be fine again, our family would be fine again. But I was wrong, because I remembered..you were still there." Humigpit ang pagkakahawak ko sa braso niya na bahagya niyang ikinaigik.

"And you know what's funny my dear haft sister? My mother should be angry at you, My mother should hate you.. but what happened? She let you live in our house and the sad thing is, all of a sudden my mother's attention went to you, she suddenly treated you like you were her child. While me? It was as if she had lost sight of the fact that I was here.. alive and breathing, she had lost sight of her real daughter." Muling pumatak ang luha ko.

"Napunta sayo ang atensyon ni Mommy at Daddy. Even my friends! Dumating ka at bigla ay parang nakalimutan nila ako! Anong meron sayo at napupunta sayo palagi ang atensyon ng mga taong mahalaga sa akin?! Nakakalimutan nila ako!" Hindi ko na napigilan ang sarili kong hawakan siya magkabilang balikat at tuluyang humagulhol.

Bad Boys In Love (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon