Chapter 54 (Trouble)

1K 29 27
                                    

Hey guys, I'm back! Sorry for not updating this past weeks. Super busy po talaga dahil ang daming activities sa school. Then grade 10 na po at ang daming kailangang ipasa and so on. And btw, sa mga nag-add po sa akin sa facebook sorry for not accepting your requests guys. Hindi po kasi ako nag-aaccept ng mga di ko kakilala😅 Just notify me po for me to accept you. And for those na gustong madedicate ko sa mga chapters, just comment guys :> Sorry again for my inactiveness ❣

This chapter is dedicated to gillian_annee

~*~

Kate's POV

"Class dismissed."

Agad kong niligpit ang gamit ko pagkatapos ay isinukbit ang bag ko. Akmang lalapitan ko si Carla nang humahangos itong lumapit sa direksyon ko, bakas ang pag-aalala sa mukha nito.

"Kateleen!"

Kumunot ang noo ko, "bakit Carls? May masama bang nangyari?"

Humawak ito sa balikat ko. "Hindi muna ako makakasabay sayo mag-lunch."

"Why?"

"Eh kasi nasangkot na naman sa gulo si Chris! Kailangan kong puntahan siya at baka napano na naman 'yon." Aniya at bumuntong hininga.

Napailing-iling naman ako. "Na naman? Iyang kapatid mo talaga!"

Tipid naman itong ngumiti. "Pakisabi na lang diyan sa kapatid mo na pupunta ako sa inyo sa susunod, magtutuos kami." Ani ko na ikinatawa naman niya.

"See you later, Kate." She said and waved her hand. Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa makalabas siya ng classroom.

I sighed. Mag-isa na naman ako. Great.

Lumabas ako ng classroom at tinahak ang daan papuntang cafeteria. Nagkalat ang mga estudyante sa bukana ng cafeteria mapa-junior man o senior students, kaya nahirapan tuloy akong makapasok.

Eh bakit ba kasi ang raming estudyante dito sa Dewford Academy. Siguro ay dahil isa itong prestigious school at sikat na paaralan na maraming naghahangad na makapasok. At isa ako sa maswerteng nakapasok sa paaralang ito, buti na lang kasi tumatanggap sila ng scholar student kagaya ko.

Napabuga ako ng hangin nang matagumpay akong nakapasok sa cafeteria. Hinawi ko ang ilang hiblang buhok ko na humarang sa mukha ko.

"Nyemas lang! Nadumihan 'yong sapatos ko!" Dinig kong sabi ng katabi ko kaya napalingon ako dito.

Kasalukuyang nakayuko ito habang inaalis ang dumi sa kanyang itim na sapatos. Nagsalubong ang tingin namin ng katabi niyang babae. Ngumiti ito sa akin na sinuklian ko ng tipid na ngiti.

"Hi Ate Kate!" Nakangiting bati sa akin ni Kristel.

"Huh?" Napaangat ang katabi niyang babae na si Allison pala.

Alli's mouth formed into an "o" like she's shocked to see me.

"Ate Kate? Hala! Dito ka pala nag-aaral?" Ngumiti naman ako at tumango.

Siniko nito si Kristel na ikinalingon naman sa kanya ng huli.

"Hindi mo sinabi sa akin na dito pala nag-aaral si Ate Kate."

"Hu? 'Di ko nasabi sayo?"

Ngumiwi si Alli sa naging turan ni Kristel. Kalaunay lumapit ito sa akin at umambreseta sa kaliwang braso ko, ganun din ang ginawa ni Kristel sa kanan kong braso.

"Sabay ka na sa aming mag-lunch Ate Kate." Sabi ni Alli.

"Huh? Pe---"

"Sige na Ate Kate!" Ani Kristel at ngumuso.

Bad Boys In Love (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon