Alli's POV
"OH MY GOSH ALLISON!"
"WHAT THE HELL IS THAT?!"
"OH GHAD!"
Salubong lang ang kilay ko habang binabagtas itong hallway ng academy. Si Kylie at Kristel naman ay nakasunod lang sa akin na walang humpay sa kaka-tili.
Nahinto ako sa paglalakad nang iharap ako ni Kylie sa kanya at hinawakan ang balikat ko.
"ALLI! Care to explain?"
Mas lalong nagsalubong ang kilay ko. "At bakit naman ako mag-eexplain? Ha?!"
"You explain kung bakit first time in history na kumanta si Kyle sa stage. At tinanong ka niya kung pwede ka niyang maging girlfriend!"
"Aba'y ewan ko dyan sa kakambal mong ugok!"
Binitawan ako ni Kylie at iniharap kay Kristel. Hinawakan din naman ni Kris ang balikat ko.
"Alli...I'm your long-timed bestfriend. Baka may secret kayo ni Kyle na tinatago, kaya ibulgar mo na lang sa amin ni Kylie..." Sabi niya.
"Tigil-tigilan niyo nga akong dalawa!"
Haiyst!
"ALLISON!"
Inalog-alog ako ni Kris kaya nahilo ako.
"KRISTEL!" Reklamo ko sa kanya at tinabig ang kamay niya na nakahawak sa balikat ko.
Napasabunot ako sa buhok ko. Jusko naman to!
"Pwede bang tumigil na kayong dalawa?!"
"Allison naman ehhh!"
Naman talaga!
"Aish!" Napasabunot ulit ako sa buhok ko.
*****
Nakasimangot akong pumasok sa front door ng bahay. Lecheng Kyle unggoy!
"Hey princess! How are you?"
Inirapan ko lang si kuya at umakyat ng staircase. Hindi naman niya pinansin ang irap ko at tumawa lang.
Leche talaga!
Binuksa ko ang pinto ng kwarto ko at padabog na isinara. Nilapag ko muna ang gamit ko sa kama bago pumasok sa banyo. Gustong kong lumublob sa bathtub na puno ng bubbles.
Kylie's POV
"F*ck!"
"Sabing wag' kang malikot!"
"It f*cking hurts!"
Sinamaan ko ng tingin ang kakambal kong gangster.
"Anong bang nakain mo? At si Alli ang nagawa mong pagtripan?!" inis kong tanong sa kanya.
"Tsk!"
Ayan nanaman ang 'tsk' ng kakambal ko. Psh!
"Alam mo Kylie, hindi naman trip yun. Totoo yun! Totoo!"
Tinaasan ko lang ng kilay si Josh na may subong lollipop.
"Oh! Si pareng Dwight!"
Napatingin ako sa kakapasok lang na si Dwight. Napatingin din siya sa akin pero agad din akong umiwas ng tingin.
"Sh*t!"
"Ay! Sorry!"
"Tsk! Ako na nga!"
Inagaw ni Kyle ang hawak kong cold compress at siya na mismo ang naglagay sa pasa niya sa mukha. Nadiin ko kasi ang cold compress sa pasa niya. At ang pasa niya sa mukha ay galing don sa malakas na suntok ni Allison.
![](https://img.wattpad.com/cover/104102991-288-k422018.jpg)
BINABASA MO ANG
Bad Boys In Love (UNDER REVISION)
Teen FictionI never expected myself to fall in love with a certain guy. But one day, I just woke up having some feelings for the Bad Boy. In his arms, I found happiness. But it was too late for me to realized that all of it was far from reality. It was just a l...