Chapter 63 (Halik)

227 17 14
                                    

[Warning: Grammatical errors ahead]


***


"Naku Miss Allison, basang-basa po kayo!" Litanya ni Ate Glenda nang pumasok ako ng bahay.

Napayakap pa ako sa sarili ko nang makaramdam ako ng lamig.

"Salamat po, Ate Glenda." Sambit ko dito nang abutan niya ako ng tuwalya na agad ko 'ring ibinalot sa sarili ko.

"Ay, kasama niyo pala si Sir Kyle." Ani Ate Glenda nang mapansin si Kyle sa likuran ko na kakapasok lang. Natagalan siya sa labas dahil ipinasok pa niya sa garahe namin ang kanyang sasakyan.

"Teka lang po sir, ikukuha lang po kita ng tuwalya." Sabi ni Ate Glenda at tanging tango lang ang itinugon sa kanya ni Kyle.

Nang mapansin niyang bahagya akong nakalingon sa kanya ay tumingin siya sa akin. Agad ko 'rin namang ipinaling ang ulo ko dahil bigla akong pinamulahan nang magkasalubong ang mga mata namin. I just suddenly remembered the damn kiss that we shared a while ago! Hindi pa 'rin ako makaget-over!

"M-Magbibihis muna ako.." Paalam ko  sa kanya at dali-daling nagtungo sa hagdanan para pumunta sa kwarto ko. Iniwan ko siyang nakatayo sa may bukana ng pinto at alam kong nakasunod sa akin ang tingin niya.

Pagkasarado ko ng pinto ng kwarto ko ay napasandal ako doon, hindi alintana ang basang-basa kong damit. Nailapat ko ang isang palad ko sa may dibdib ko para pakiramdaman ang puso kong kanina pa hindi magkandamayaw sa pagtibok. Habang ang isa ko namang kamay ay napahawak sa labi ko.

We kissed.. Then he confessed that he loves me.. He freaking loves me!

"Putangina. Mahal ako ng ugok na 'yon." Bulong ko sa sarili at ramdam ko na naman ang pag-iinit ng magkabilang pisngi ko.

"Putangina talaga!" Hindi ko na napigilan at napatampal na ako sa magkabilang pisngi ko.

Ilang minuto pa akong nanatiling nakasandal sa pinto habang kapwa namumula ang magkabilang pisngi. I just really can't believe what happened. Totoo ba talaga iyong ipinagtapat niya sa akin? He really does love me? How come? He hates my guts, right?

Laman pa 'rin ng isip ko ang mga tanong na iyon kahit nasa cr na ako at naliligo hanggang sa nagbibihis na ako. Hindi ko na inabalang patuyuin ang basang buhok ko at lumabas na ng kwarto ko at dumiretso sa baba.

"Ginawan ko po kayo ng meryenda ni Sir Kyle, Miss Alisson. Nakahanda na iyon at nailagay ko na sa coffee table na nasa sala." Sabi ni Ate Glenda nang makababa ako sa hagdanan.

"Salamat po, Ate Glenda."

Tinungo ko ang living room at naupo sa couch. Kinuha ko ang sandwich na nasa coffee table at kinagatan ito. Habang ngumunguya ay muli na namang nilamon ang aking isipan ng mga katanungan.

Mag-iisang buwang nawala si Kyle, saan siya galing? Bigla na lang siyang sumulpot bigla, at sa oras pa talaga na magkasama kami ni Jay. Pero paano niya nalamang magkasama kami ni Jay? Paano niya nalaman ang lugar na 'yon?

Teka--- si Jay! Nakauwi na kaya ang lalaking iyon? Dumudugo pa naman ang ilong niya.. putcha si Kyle Salvador kase! Nanununtok na lang bigla ang ugok! Kung siya kaya suntu---

"What are you thinking?" Someone suddenly whispered huskily on my ear that made my eyes widened.

Nilingon ko ito at nagulantang nang mapansin ang sobrang pagkakalapit namin. Sumayad pa sa pisngi ko ang tungki ng ilong niya pagkalingon ko sa kanya. Muntikan ko na 'ring mabitawan ang hawak kong sandwich dahil sa gulat.

"I-Ikaw pala.." Ani ko at umusog para lumayo sa kanya.

Saglit na kumunot ang noo niya sa akin nang mapansin ang pag-usog ko at supladong nag-iwas ng tingin. Nakagat ko naman ang ibabang labi ko at napatitig sa sandwich ko. Parang may lahi yata siyang kabute, bigla na lang kasing sumusulpot.

Bad Boys In Love (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon