Chapter 38 (Can I Court You?)

2.8K 86 14
                                    

Kristel's POV

Dumako ang tingin ko sa orasan na nakakabit sa pader. Pinagtuonan ko ng pansin ang kamay non. Ilang minuto na lang at tutunog na ang bell. Bigla akong kinalabit ni Alli kaya nalipat ang atensyon ko sa kanya.

"Bakit?" Mahina kong bulong dito.

"Pwedeng CR muna tayo bago dumiretso ng cafeteria?"

I immediately nod. "Okay."

"Mendiola! Are you even listening?!"

Napatingin agad ako sa prof. namin nang sumigaw ito bigla. Nagpalipat-lipat ang tingin ko kay prof. at kay Ryan.

"I'm listening, prof." Sagot dito ni Ryan.

"Listening?! Ganyan ba ang listening sayo?! Eh parang hindi ka naman nakikinig ah! Bungisngis ka ng bungisngis diyan!"

Napapikit ako nang ihampas ni prof. sa teacher's table ang palagi nitong dala na stick. Ganun din ang iba kong classmate.

"I'm sure super duper sakit niyan kapag sayo talaga tumama." Dinig kong sabi ni Alli.

"I agree, Alli." Sang-ayun naman ni Kylie.

"Okay! Back to our topic!" Sigaw ni prof. sabay hampas na naman ng stick.

Kakaiba itong prof. namin. Hindi talaga mawawala ang baon nitong stick kapag nagkaklase. Sabi ng iba, may natamaan na daw nito. Napangiwi ako habang nakatingin ako sa prof. namin.

*Kkkkrriiinnngg.....*

"Siguraduhin niyo talagang nakinig kayo ngayon! Kapag hindi kayo nakaperfect bukas sa quiz! Alam niyo na ang kahahantungan niyo!"

"Yes, prof." Sabay-sabay na sabi namin.

"Class dismissed!"

Napabuga ako ng malalim pagkalabas ni prof. ng classroom.

"Grabe ka professor! Tataas blood pressure ko sayo!" Nilingon ko si Alli.

"Waahhh!!! Hindi ko masyadong naintindihan ang topic ni prof." Sabi ni Kylie sabay pout.

"I feel you, Bes. Pero mamaya ka na magdrama teh. Naiihi na ako!" Dali-daling tumayo si Alli at lumabas ng classroom.

"Alli! Wait!" Tumayo din si Kylie at sinundan palabas si Alli.

Napanguso ako. Iniwan ako ah! Kinuha ko ang bag ko at pati na din kay Alli. Nakalimutan ang bag? O sadyang iniwan lang talaga para ako ang magdala? Wow.

Tumayo ako at lumabas ng classroom.
Nagpunta ako ng comfort room at nakita doon si Kylie na nakaharap sa malaking salamin.

"Ow, Kristel!"

"Where's Alli?" I asked.

"Nasa isa diyan sa mga cubicle." Sagot niya sabay turo sa mga cubicle.

Tumango na lang ako. Inilapag ko ang bag ni Alli sa may gilid ng lababo. Humarap ako sa salamin at sinuklay ang buhok ko gamit ang kamay ko. Inipit ko sa likod ng tenga ko ang ilang takas na buhok.

"Oh gosh! Really?"

"Of course! With the help of my gorgeous face and sexy body."

Napalingon ako sa pintuan ng comfort room. Pumasok ang tatlong babae na agad kong namukhaan kung sino. Tumabi sa akin ang dalawa habang ang isa naman ay pumasok sa isa sa mga cubicle. Patuloy pa din sila sa pag-uusap habang nagpapakapalan ng makeup. Nakita kong pumasok din si Kylie sa isang cubicle.

Napayuko ako. Inabot ko ang faucet at binuksan. Itinapat ko dito ang kamay ko at hinugasan.

"Paki-abot nga non, miss."

Bad Boys In Love (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon